SUBSIDIYA SA MAHIHIRAP ISINUSULONG NI SEN. BONG GO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

PATULOY na tumataas ang inflation sa bansa. Ang inflation sa ekonomiya ay isang sukatan ng tumataas na presyo ng kalakal at mga serbisyo.

Kadalasan ay humahantong ito sa pagbaba ng purchasing power ng local currency.

Nangangahulugan na ito ay ang parehong unit ng currency na ginamit noon upang makabili ng isang basket ng item, ngayon ay makabibili lamang ng kaunting item sa paglipas ng panahon dahil sa pagtaas ng presyo.

Gumagawa naman ng ­paraan ang administrasyong Marcos ukol dito. Ngunit may naiisip ding mga paraan si Sen. Christopher “Bong” Go.

Nanawagan siya sa ­gobyerno na tingnan ang posibilidad ng pagkakaloob ng subsidiya sa mga may mababang kitang sambahayan at mga estratehikong sektor dulot ng inflation.

Kamakailan, namahagi ng tulong si Go sa mga biktima ng bagyo sa Noveleta, Cavite.

Doon ay binigyang-diin niya na ang pagtaas ng inflation ay dala pa rin ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine kaya nais niyang tingnan ng pamahalaan ang posibilidad ng pag-subsidize at pagtulong sa mga kabahayan na may mababang kita.

Siyempre, kasama na riyan ang lahat ng mga apektadong sektor na tinatamaan ng pagtaas ng presyo.

Kung maaalala nga naman, ayon sa Philippines Statistics ­Authority (PSA), ang taunang inflation para sa buwan ng ­Nobyembre ay tumalon sa 8.0%.

Batay sa datos, aba’y ito raw ang pinakamataas sa loob ng 14 taon, bilang resulta ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi naman nagpapabaya ang gobyerno. Gumagawa ng paraan ang economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang masolusyunan ito.

Sa katunayan, sabi nga ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa isang pahayag, na ang pamahalaan ay patuloy na nagpapatupad ng mga target na subsidiya at mga diskwento.

Sa ganitong paraan nga naman, maiibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga mahahalagang bilihin, lalo na para sa mga mahihinang sektor at mga mababang kita ng ating lipunan.

Para naman sa masipag na si Sen. Go, mahalagang bantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga bilihin.

Dapat ding tiyaking walang magsasamantala sa kasalukuyang sitwasyon. Well, sa panahon nga naman ngayon, mahalaga para sa karaniwang Pilipino ang bawat sentimo sa kanilang bansa.

Mabuhay ka, Sen. Bong Go, at God bless po!

204

Related posts

Leave a Comment