SULU BOMBING; 8 NA PATAY

indanan sulu12

(NI JG TUMBADO)

UMAKYAT na sa walo ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagpapasabog sa loob ng kampo ng militar sa Sulu Biyernes ng hapon.
Ang naturang pag-atake ay isinagawa  sa pansamantalang kampo ng Philippine Army First Brigade Combat team sa Barangay Kajatian.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas,  tatlo sa mga nasawi ay sundalo habang tatlo pang sibilyan ang namatay at ang dalawang suspek na may dala ng bomba.
Nasa 12 naman ang nasugatan sa insidente.
Naniniwala si Philippine Army spokesman Lieutenant Colonel Ramon Zagala na walang ibang hangarin ang pambobomba kundi guluhin ang mahigpit na seguridad at ang military operation sa lugar.
Nauna nang sinabi ng military na posibleng mga kasapi ng Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng nasabing pag-atake.
Kagabi ay inilagay na rin sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila dahil sa nasabing pagpapasabog sa Sulu.
Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na nagsabing sila ang nasa likod ng pagpapasabog sa naturang military camp.

177

Related posts

Leave a Comment