Sumigaw sa liga ng barangay binaril BRGY. LUPON, KASAMA TINUTUGIS SA PAGPATAY

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang opisyal ng Lupong Tagapamayapa sa isang barangay at kasama nito na bumaril at nakapatay sa isang construction worker na sumigaw sa loob ng basketball court sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si alyas “Ricky”, 28, binata, ng Brgy. Talaba 2, Bacoor City, namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Rico”, isang Lupong Tagapamayapa ng nasabing barangay, at isang alyas “RJ” na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nagkakaroon ng liga ng basketball sa Brgy. Saman Court, Brgy. Talaba 2, Bacoor City bandang alas-9:00 ng gabi nang magsisigaw umano ang biktima.

Bunsod nito, nilapitan ng mga suspek ang biktima upang awatin subalit hindi ito tumigil dahilan upang barilin ng ‘di nabatid na kalibre ng baril na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek makaraan ang insidente.

(SIGFRED ADSUARA)

5

Related posts

Leave a Comment