Sumuko sa PNP-PRO5, Phil. Army 8 KASAPI TUMALIKOD SA NPA SA CAMNORTE

WALONG miyembro ng NPA sa probinsya ng Camarines Norte ang namulat sa katotohanan at piniling sumuko sa mga awtoridad noong Disyembre 26, 2021, saktong araw ng ika-53 anibersaryo ng New People’s Army (NPA).

Nababanaag sa “former rebels” ang saya at pag-asa mula sa paglaya sa marahas na kamay ng mga NPA.

Kabilang sa mga sumuko si Ka Albert, 29; Noe, 32-anyos; Ka Romy;

Ka Dante; Ka Jeffrey, 35; Ka Raul, 30; Ka Boy, 46, at Ka Remsy, 41-anyos.

Isinuko sa mga awtoridad ng nabanggit na mga indibidwal na pawang mga miyembro ng NPA KLG1, L1, KP4, RYG, BRPC, ang kanilang mga armas.

Maayos namang tinanggap ang mga ito ng mga awtoridad at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Camarines Norte 1st PMFC, CNPPO.

Ang mga sumuko ay tatanggap ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integrated Program o ECLIP, at iba pang programa ng gobyerno para sa kanilang pagsisimulang muli.

“Nakakatuwang isipin na lahat ng ating pagod at sakripisyo ay unti-unti nang nagbubunga. Patunay dito ang pagsuko ng walong former rebels na ito. Ang desisyong ito ang magbabago at magtatama ng inyong tinatahak na daan. Hindi pa huli ang lahat, naririto kami upang tulungan at gabayan kayo sa inyong pagbabagong buhay,” ayon kay P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, PNP-PRO5.

“Ang PNP, katuwang ang Philippine Army, ay patuloy ang malakas at matatag na koordinasyon upang siguraduhin ang lubusang paghina at pagbuwag sa makakaliwang grupo,” dagdag pa ni Estomo. (JESSE KABEL)

226

Related posts

Leave a Comment