SUPORTA NG KAMARA SA KAPAKANAN NG BARANGAY OFFICIALS TINIYAK NI ROMUALDEZ

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga opisyal ng barangay ang matibay na suporta ng Kamara de Representantes sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa paglilingkod at pagtaguyod ng kanilang kapakanan.

Ipinahayag ni Speaker Romualdez ang pangakong ito sa kanyang mensahe nitong Miyerkoles sa harap ng mga miyembro ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas-Tacloban Chapter na sumasailalim sa apat na araw na komprehensibong pagsasanay sa Citystate Tower Hotel sa Ermita, Maynila.

“The House of Representatives, under my leadership, is committed to giving barangay officials the dignity and support you deserve. Hindi namin kayo pababayaan, dahil hindi niyo rin kami iniwan,” ani Romualdez, pinuno ng 306-miyembrong Mababang Kapulungan.

“We will continue pushing for laws that recognize your sacrifices, secure your future, and strengthen your capacity to lead,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng House leader na ang mga opisyal ng barangay ang gulugod ng pamahalaan.

“In every crisis, in every challenge, in every moment of need, you are the first to respond. Kayo ang unang tinatakbuhan ng tao, kayo rin ang unang sumasalo sa problema. That is why ensuring your strength, security, and stability is not just a commitment—it is a duty”, aniya.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mabigat na tungkulin ng mga opisyal ng barangay, kabilang ang disaster response, pagpapatupad ng batas, financial management, at mga usaping panlipunan.

“That is why we in Congress continue to fight for measures that uplift barangay officials, ensuring that you are given the resources, recognition, and respect you deserve,” aniya, kasabay ng pagsasabing isang kawalan ng katarungan ang maglingkod nang walang sapat na suporta.

Ibinahagi rin ni Romualdez ang ilang panukalang batas sa Kamara na naglalayong pagandahin ang kalagayan ng mga opisyal ng barangay at bigyan sila ng kinakailangang suporta:House Bill No. 11287 – Pagpapalawig ng Termino ng mga Opisyal ng Barangay sa Anim na Taon”Why? Because real progress takes time. Ang tunay na pagbabago, hindi minamadali—pinagtitibay. This measure will allow you to execute long-term programs, reduce election disruptions, and focus on what truly matters: serving the people,” ani Romualdez.

Binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang kanilang pagsasanay sa disaster preparedness, responsableng pagba-budget, at maayos na pamamahala ay hindi lamang teknikal na kasanayan kundi mahalagang pundasyon upang mapanatiling ligtas at maunlad ang mga komunidad.

“Let us continue working together for a Bagong Pilipinas—where every barangay is strong, every leader is supported, and every community is thriving,” aniya pa.

25

Related posts

Leave a Comment