PINURI ni PNP chief General Nicolas Torre lll ang kooperasyon ng lokal na pamahalaan at pulisya sa Central Luzon sa kanyang pagbisita sa Bulacan Police Provincial Office.
Bilang pagpapakita ng suporta sa 5-minute response time initiative ng PNP, nagbigay ng mga bagong kagamitan ang Pamahalaang Panlalawigan.
Mismong ang Hepe ng Pambansang Pulisya ang nanguna sa ceremonial turnover ng mga equipment na mula sa donasyon ng Bulacan Government sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando.
Kabilang sa mga equipment ang 24 motorcycles, 1 patrol vehicle, 100 handheld radios, 1 surveillance drone na para sa provincial-level operations, tig-isang drone para sa 24 city and municipal police station sa buong lalawigan, at mga sako ng bigas para sa lahat ng Bulacan PPO personnel.
Nagkaloob din ang City Government ng San Fernando, Pampanga ng walong bagong smartphones sa San Fernando Police Station.
Karagdagan ang mga ito sa nauna nang binili na 455 handheld radio ni PRO3 Regional Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr.
Sinani ni Pen̈ones, naka-angkla ang mga hakbang na ito sa Three Core Pillars ng PNP na kinabibilangan ng Swift and Responsive Public Service, Unity and Morale within the Ranks at Accountability and Modernization.
(TOTO NABAJA)
