Nananatili ang suporta ni Customs Commissioner at National Single Window-Technical Working Group (NSW-TWG) Chairman Rey Leonardo Guerrero sa pagpapatupad ng tinatawag na National Single Window (NSW) sa bansa.
Sa back-to-back NSW-TWG Cluster Meetings na isinagawan noong nakaraang Marso 2, 2021 para sa Chemicals, Oils, Minerals, Environment, Drugs, at Dangerous Goods Cluster; at Marso 4, 2021 para naman sa General Merchandise and Retail Goods Cluster, binigyan halaga ni Commissioner Guerrero ang Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs) sa bansa sa paghabol na maabot ang Single Window environment.
Ang NSW, sa ilalim ng pamumuno ng BOC ay magsisilbi bilang maaasahang institusyon para sa pakikipagtulungan ng inter-agency na payagang magpalitan ng trade data sa mga kasama sa TRGAs sa national at regional levels.
Kaugnay nito, ang mga ahensiya ay pinaalalahanan ng kanilang ‘long-term commitment and cooperation’ para matugunan ang mga alalahanin sa technology at operational na pamamaraan.
Ang cluster leads ay appointed para tumulong sa Bureau sa pag-establisa ng mas matatag na Single Window platform na may ‘workable business procedures,’ na matugunan ang cluster-specific challenges, at epektibong pamamahala ng system.
Ang BOC ay aktibong nakakipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno para sa natitirang pang mga kumpol (clusters) ngayong buwan.
Sa suporta sa capacity-building na pagsisikap, ang external consultations tulad ng webinars ay isasagawa rin para maging epektibo ang pamamahala ng ‘stakeholders’ expectations and perceptions on NSW matters’.
(Boy Anacta)
181
