TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na sapat ang suplay ng pagkain sa Metro Manila.
Ang paniniyak ni Dar ay sa gitna ng agam-agam na baka kapusin ang suplay ng pagkain matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Central Luzon.
Ayon kay Dar, ang supply ng mga pagkain ay manggagaling sa mga region 1, 2 at 4-B.
Ang National Capital Region (NCR) ay may mahigit 10,200 metric tons ng isdang suplay na ihahatid sa mga pamilihan.
Ang buong NCR ay may mahigit 8,000 metric tons ng isda na konsumo kada linggo.
Tiniyak din ng kalihim na may sapat na bigas sa loob ng 35 linggo o katumbas ng siyam (9) na buwang suplay.
Ang NCR ay may labing anim (16) na siyudad at isang munisipalidad na dapat suplayan ng pagkain. JOEL O. AMONGO
303 