MAHIGIT 300 na mga bata at kanilang mga magulang ang nabigyan ng tulong sa “Batang Juan Caravan” na inorganisa ng 1Munti Partylist nitong Lunes, February 10, sa San Dionisio Old Gym, Parañaque City.
“Nagpapasalamat tayo sa lahat ng supporters at volunteers na walang pagod na kumikilos para sa kapakanan ng mga bata,” ayon kay Atty. Raffy Garcia, nominee ng 1Munti Partylist.
Ang Batang Juan Caravan ay isa sa mga regular na programa ng 1Munti Partylist na naghahatid ng iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng late birth registration upang matulungan ang mga pamilyang may financial problem na makuha ang mahalagang dokumentong ito para sa kanilang anak.
Mayroon ding NutriJuan Program, storytelling session sa pamamagitan ng 1Munti Readers Book Club, impormasyon para sa early intervention ng mga batang may developmental delay, at tulong sa trabaho sa pamamagitan ng 1Munti Job Portal at Dress for Success.
Bahagi ang Batang Juan Caravan ng komprehensibong programa ng partylist para isulong ang kapakanan ng mga bata.
“Ang 1Munti Partylist ay para sa mga bata. Ang bawat serbisyong ating inihahandog ay hakbang tungo sa mas maliwanag at makulay na kinabukasan ng ating kabataan,” ani Atty. Garcia. (DANNY BACOLOD)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)