SUSPENSYON NG EXCISE TAX MULING IGINIIT

KAILANGAN tanggalin muna o suspendihin ang pagpapatupad ng excise tax law upang mabigyang solusyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ito ang tinuran ni senatorial candidate at dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang pulong balitaan sa Taguig.

Ani Cayetano, kahit dagdagan ang suweldo ng manggagawa hindi naman magawang ibaba ang presyo ng mga produktong petrolyo na malaking pahirap sa bansa.

Sa kabila nito, kaya aniyang solusyunan ng pamahalaan ang anomang pagtaas kung talagang nanaisin ng gobyerno lalo na’t mayroon naman savings at mga perang maaaring pagkuhanan.

Ayon sa mambabatas, kailangang mayroong limang taong plano para sa pananalapi ang administrasyon ng mananalong Pangulo ng bansa.

Ayon kay Cayetano, higit na makatutulong ito upang sa ganoon ay matulungan ang bawat pamilyang Pilipino na maiangat ang buhay lalo sa gitna ng nararanasang pandemya.

Binigyang-linaw ng senador na walang perpekto subalit mayroon magagawang paraan ang gobyerno para matulungan ang ating mga kababayan na hindi makapangutang sa 5/6 at malulong o magbakasakali sa mga sugal tulad ng e-sabong.

Kaya umano ng pamahalaan na baguhin ang sistemang ito sa paraan ng pagbibigay ng ayuda o tulong pinansyal.

Umaasa rin si Cayetano na tataas ang bilang ng mga papasok na turista sa bansa para mas madagdagan ang trabaho.

Ani Cayetano, sa bawat dalawang turista na papasok sa bansa ay isang trabaho para sa isang Pilipino. (JULIET PACOT)

464

Related posts

Leave a Comment