‘TABING ILOG’ MAY MUSICAL PLAY

Ginawang stage musical ng ABS-CBN ang isa sa kanilang pinaka-successful TV series, ang teen drama series na “Tabing Ilog” na sinimulan in 1996 at nagtapos noong 2003.  Dito nagsimula ang respective careers ng mga bagets pa noon na sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Paula Peralejo, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Patrick de la cruz, Desiree del Valle at Baron Geisler.  Maliban kay Paula na huminto na sa kanyang showbiz career magmula nang ito’y mag-asawa in 2013, ang lahat ay aktibo pa sa kanilang showbiz career except for John Lloyd na humingi ng indefinite leave sa showbiz para harapin ang kanyang pribadong buhay with Ellen Adarna at ang kanilang anak na si Elias Modesto.  Sa kasamaang palad, nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nina John Lloyd at Ellen.  Pero ang maganda, magbabalik-showbiz na si John na nakatakdang gumagawa ng pelikula with his perennial screen partner na si Bea Alonzo at hiwalay na pelikula sa kanyang ex-girlfriend na si Shaina Magdayao.

Ang first stage musical ng Kapamilya Network at ng Star Hunt na “Tabing Ilog: The Musical” ay nakatakdang idirek ni Topper Fabregas at mapapanood sa Dolphy Theater ng ABS-CBN simula sa March 7 hanggang April 26.  Ito’y tatampukan ng mga baguhan at dating stage actors.

1321

Related posts

Leave a Comment