PAGSALAKAY SA MILF ITINANGGI NG AFP

milf20

(NI JESSE KABEL) TAHASANG pinabulaanan kahapon ni 6th Infantry Division Commander Ltgen Cirilito  Sobejana na plano nilang salakayin ang hanay ng Moro Islamic Liberation Front na nagging sanhi tuloy ng massive evacuation. Ayon kay Sobejana, malinaw na isa itong fake news na ipinakakalat ng mga nagnanais na manabotahe sa umiiral ngayong kapayapaan sa Mindnao . Nitong nakaraang Lunes, nakipag dayalogo ang 2nd Mechanized Infantry Battalion at  6th Civil Military Operation Battalion kina Datu Item Ampatuan, 106th  Base Commander ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) , Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa…

Read More

ASG LEADER IDANG SUSUKAN PATAY SA OPENSIBA

idang7

(NI JG TUMBADO) KINUMPIRMA ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakasawi ni Abu Sayyaf Group sub-commander Idang Susukan matapos ang mas pinaigting na air at ground assault ng militar at pulisya laban sa mga terorista sa Patikul, Sulu noong February 2. Batay sa ipinahayag kahapon ni Asst. Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations at tagapagsalita ng AFP na si Brig. General Edgard Arevalo, February 4, araw ng Lunes ng malagutan ng hininga ang notoryus na ASG sub leader bunsod ng kumplikasyon mula sa tinamong mga…

Read More

PALPAK NA EBIDENSIYA SA JOLO BLAST  PINUNA

jolo

DAHIL sa nakalilitong statement at anggulo sa Jolo twin blasts, pinayuhan ni Senate Committee on Public Order chair Senador Panfilo Lacson ang pulisya at militar na maghinay-hinay at mag-ingat sa paglabas ng labu-labong impormasyon sa naganap na terror attack sa Mindanao. Sinabi ni Lacson na kailangang mas maging maingat ang mga awtoridad sa pagbanggit ng mga bagay na makaaapekto sa imbestigasyon. Idinagdag pa ng senador na higit na nakalilito ang kaliwa’t kanang press conference na ipinatatawag at lumalabas na may kanya-kanya silang opinyon sa trahedya. Makailang beses nang pumalpak sa…

Read More

KUMPIRMADO: SUICIDE BOMBERS SA LIKOD NG JOLO BLAST

jolo1

(NI JESSE KABEL/BETH JULIAN) SUICIDE  bombers ang nasa likod ng  naganap na kambal n apagpapasabog sa Our lady of Mt Carmel Cathedral na kumitil ng 22 katao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa ayon sa military at Sulu PNP nitong Biyernes. Ang pahayag ng military at kapulisan ay kumumpirma lamang sa nauna ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isang suicide bombing ang naganap sa Jolo Sulu at kagaagwan ito ng mag asawang banyaga. Ayon kay Sulu Police Provincial Office Director Pablo Labra ang kanilang kumpirmasyon ay ibinatay…

Read More

PABAHAY SA MGA SUNDALO, PULIS TINUPAD NI DUTERTE

TUPAD

(NI LILIBETH JULIAN ) TINUPAD  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangako nito sa mga sundalo at pulis. Ito ay matapos ihayag na ng Pangulo na mas maluwag na pabahay ang ipinamahagi nito sa mga kasapi ng PNP at AFP. Kahapon ng hapon ay sinimulan nang ipamahagi ni Pangulong Duterte ang pabahay nito sa Pleasant View Residennces, Brgy. Graceville, San Jose del Monte, Bulacan. Ipinakita ni Duterte sa mga mamamahayag ang model house o unit na matitirhan ng mga sugatang sundalo at pulis. Mahigit 1,700 low rise unit ang nakatayong pabahay …

Read More

SUNDALONG NAGBEBENTA NG ARMAS, BALA SA REBELDE KIKILALANIN

army

(NI BERNARD TAGUINOD) Hubaran na ng maskara at panagutin ang mga traydor sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbebenta ng armas at bala sa mga kabalan ng estado partikular na ang Abu Sayyaf at Maute group. Ito ang iginiit ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos maaresto ang mag-asawang gun runners na sina Edgardo at Rosemarie Medel, kung saan nakumpiska sa mga ito mga armas at bala ng pag-aari umano ng Philippine Army. Ayon kay Alejano, ang pagbebenta ng mga armas at bala sa mga kalaban ng estado…

Read More

PAGHIHIGPIT NG PNP, AFP BAHAGI NG MO NO. 32

(Ni LILIBETH JULIAN) Mahigpit na pinakikilos ng Malacanang ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa apat na lugar sa bansa na kinumpirmang may mataas na insidente ng karahasan at banta ng terorismo. Ito ay matapos na pinal na lagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Order No. 32, na nag-aatas sa PNP at AFP na paigtingin ang kanilang puwersa para labanan ang lahat ng anumang uri ng karahasan sa mga lalawigan ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol region. Nakapaloob…

Read More