CAPIZ – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang 20-anyos na binata makaraang tagain ng kanyang ama bilang ganti umano sa pananapak ng biktima habang sila ay nag-iinuman, iniulat nitong Huwebes ng gabi sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Kyle Bryan Diaz, habang nadakip naman ang ama nitong si Gesal Diaz, 45-anyos, kapwa residente ng Barangay Centro, Dao, Capiz. Batay sa report ng Dao Police Station, nangyari ang insidente sa ng bahay ng mag-ama habang sila ay nag-iinuman. Nang malasing umano ang dalawa ay bigla na lamang magkaroon ng…
Read More