SALAMAT SA SUPORTA, DALANGIN SA HUSTISYA — MANGUDADATU

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS makamit ang hustisya, hindi lang para sa kanyang asawa at mga kaanak, kundi sa mga kagawad ng media at iba pang sibilyan na brutal na pinatay ng ilang miyembro ng angkan ng mga Ampatuan dahil sa pulitika, nagpasalamat si Maguindnao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu sa mga Filipino na sumuporta at mananalangin para sa mga ito. “Ako, kasama ang aking mga anak, kapatid at kamag-anakan…ang mga pamilyang naulila…ay lubusang nagpapasalamat sa inyong pagdalangin at suporta upang makamit natin ang katarungang ating hinintay ng sampung taon,” ani Mangudadatu.…

Read More

LIFE IMPRISONMENT!

HINATULANG makulong ng habambuhay sina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr, Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr. sa inilabas na desisyon Huwebes ng umaga ni Judge Solis-Reyes, sa karumaldumal na Ampatuan massacre na naganap 10 taon na ang nakararaan. 4 NA MIYEMBRO NG AMPATUAN CLAN INABSUWELTO APAT na miyembro ng Ampatuan clan na sina Datu Datu Akmad Tato, Datu Sajid Islam, Jonathan, and Jimmy Ampatuan ang inabsuwelto sa kasong murder. Matapos magdesisyon si Judge Solis-Reyes na basahin lamang ang ‘salient points’  sa 761 pahinang desisyon. Late ng isa’t kalahating oras si Reyes…

Read More

MAGUINDANAO MASSACRE RESOLUTION, LEGASIYA NI PDU30

duterte32

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGIGING legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkamit ng mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre ng katarungan matapos ang 10 taong paglilitis. Ito ang pananaw ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan  ng Kongreso dahil sa araw na ito, Disyembre 19, ay hahatulan na ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga suspek sa Maguindanao massacre. “This is another legacy-defining moment for the Duterte administration,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Dangerous Drugs Committee. “I feel it’s no coincidence that…

Read More

HUSTISYA SA MAGUINDANAO MASSACRE INAASAHAN 

(NI BERNARD TAGUINOD) MALAKI ang paniniwala ni Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na makakamit na ng mga ito at pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre, ang katarungan matapos ang 10 taon. Ginawa ni Mangudadatu ang pahayag kasunod ng pagbasa sa sentensya sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao, kabilang na ang ilan sa mahal nito sa buhay at 38 kagawad ng media. Inaabangan, hindi lamang ng mga Filipino kundi ng international community, ang promulgation sa nasabing krimen na nag-ugat sa pulitika kung saan pangunahing salarin ang…

Read More

730 PULIS MAGBABANTAY SA PROMULGATION NG AMPATUAN MASSACRE

pnp12

(NI NICK ECHEVARRIA) MAGPAPAKALAT ng 730 mga pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para mangalaga sa seguridad sa araw ng promulgation ng Ampatuan Massacre, sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Ito’y sa kabila ng pahayag ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas na wala naman silang namo-monitor na anumang banta sa gagawing pagbasa ng hatol. Nakipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa Special Action Force (SAF) at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan napagkasunduan ang lock down ng mga bilanguan sa loob ng kampo sa…

Read More

PAGBASA NG SENTENSIYA SA AMPATUAN MASSACRE GAWING LIVE – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang apela sa Korte Suprema na payagan ang live coverage ang promulgation o pagbasa ng sentensya sa mga suspek sa Maguindanao massacre. Ayon sa dating mamamahayag na si ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, karapatan ng mamamayang Filipino, lalo na ang mga kaanak ng mga biktima ng karumal-dumal na krimeng ito na mapanood ang pagbaba ng sentensya sa mga pumatay sa kanilang mga mahal sa buhay. “Puwede namang bigyan na lang ng restrictions ang media coverage, tulad noong 2011 nang payagan ng…

Read More