DALAWANG ANTI-SUBMARINE CHOPPERS PARATING NA SA ‘PINAS

choppers12

(NI JESSE KABEL) PARATING na ang  dalawang bagong anti-submarine helicopters ng Philippine Navy mula sa United Kingdom ngayong susunod na linggo. Ayon kay Navy spokesperson Capt. Jonathan Zata, ang dalawang helicopters na AW-159 “Wildcats” ay kasalukuyang ibinabiyahe na papuntang Pilipinas. Ang dalawang brand new at state-of-the-art helicopters na ito ay binili ng P5.4 bilyon sa Leonardo, UK bilang bahagi ng modernization program ng Department of National Defense para sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Kamakailan lamang  ay nagtungo sa UK sina Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad at iba…

Read More

AUSTRALIA MAY $85-M AYUDA SA ‘PINAS

phl12

(Ni FRANCIS SORIANO) TUMATAGINTING na $ 85 million ang ipinamahagi ng  Australian government bilang development assistance sa Pilipinas. Ayon sa pahayag ni Australian Ambassador Steven Robinson, ang malaking bahagi ng naturang development aid ay napunta sa bahagi ng Mindanao para sa development ng Mindanao at sa pagsulong sa implementation ng Bangsamoro Organic Law (BOL). Maliban umano rito ay patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang assistance sa edukasyon para sa mga  scholarship ng Filipino youth na sa kasalukuyan ay mayroong 60 Filipino students na nag-aaral sa Australia para sa kanilang masteral,…

Read More

AFP MAY EBIDENSIYA VS COMMUNIST FRONT ORGANIZATIONS

parlade12

(NI JESSE KABEL) PINABULAANAN ng Armed Forces of the Philippines ang akusasyon ng ilang organisasyon na sinasabing may kawing o prente ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army na walang hawak na ebidensiya ang AFP na magpapatunay sa mga sinasabing communist front organizations. Ayon kay Brig General Antonio Parlade Jr., Asst. Deputy Chief of Staff for CMO, J7, na perpekto na ng grupong Karapatan ang sining ng pagsisinungaling sa loob ng 24 na taong panlilinlang. “I never said I don’t have evidence to show they are communist…

Read More

DILG: ARMED FORCES NALUSUTAN SA JOLO BOMBING

jolo1

(NI LUISA LEIGH NIEZ) KAPABAYAAN  umano  security ang itinuturong dahilan sa  naganap na  magkasunod na pambobomba sa  Mt. Carmel Cathedral  sa Jolo, Sulo kung saan ay  umabot na sa 21 ang namatay. Ito ang pag-amin ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año , isang araw  matapos ang   magkasunod na pagsabog sa  pinakamalaking  Catholic church  sa Sulu  kung saan umabot na sa 21 katao ang namatay at ikinasugat ng 91  katao. Ayon  pa rin sa kalihim,  nalusutan umano ng mga terorista ang  inilagay na  securirty measures ng Armed Forces  sa nasabing cathedral. “Hindi pa natin nabubuo yung buong picture. Ang masasabi lang natin  sa ngayon ay nakalusot yung dalawang bomba sa…

Read More