PORK SMUGGLING SINISISI SA ASF OUTBREAK

pork

(NI BERNARD TAGUINOD) IPINASISILIP ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na  ‘pork smuggling” ang dahilan ng African Swine Flu (ASF) ngayon sa ilang probinsya sa bansa tulad ng Rizal. Sa press conference nitong Huwebes, sinabi ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat malaki ang posibilidad na may nakalusot na mga smuggled pork sa Bureau of Customs (BOC) mula sa ibang bansa na may ASF. “Ang pinagdududahan naming pinanggalingan nito ay smuggling. Nakapasok ang mga pork imports na ito (na may ASF). Itong smuggling na ito ay matagal nang…

Read More

P1-B PONDO NG DA PINAGAGAMIT VS ASF

(NI DANG SAMSON-GARCIA) IPINAALALA ni Senador Sonny Angara na mayroong P1 bilyong Quick Response Funds (QRF) ang Department of Agriculture sa ilalim ng kanilang calamity fund na maaaring gamitin laban sa pagkalat ng   African Swine Fever (ASF). Sinabi ng chair ng Senate finance committee na dapat nang gamitin ng DA ang emergency fund upang labanan ang banta sa food source. Binigyang-diin ng senador na nasa P280 bilyon ang naidaragdag ng industriya ng magbababoy sa ekonomiya. “This ASF is by all accounts a calamity. It may not have the dramatic footage…

Read More

BRGY. OFFICIALS PINAKIKILOS LABAN SA ASF

(NI NOEL ABUEL) DAPAT na kumilos ang lahat ng barangay officials sa bansa para magbantay sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang nasasakupan. Ito ang panawagan ni Senador Nancy Binay kasabay ng pagsasabing mas madali para sa mga hog raisers na magtiwala sa mga barangay officials at magsabi kung ano ang tunay na kalagayan ng mga alagang baboy ng mga ito. “Tulungan natin ang mga maliliit na backyard hog raisers na muling makabangon. It was already hard for them to see their pigs die and culled. Barangay officials…

Read More

ASF OUTBREAK SA RIZAL, BULACAN IDINEKLARA  NG DA

(NI KIKO CUETO) NAGDEKLARA na ng outbreak ng African Swine fever ang Department of Agriculture (DA) sa tatlong lugar sa lalawigan ng Rizal at sa Bulacan. Ayon kay DA Spokesperson Noel Reyes, ito ay base sa confirmation tests na kanilang inilabas. Kabilang sa may outbreak ng ASF ang Guiguinto, Bulacan maging ang sa Rodriguez at Antipolo sa Rizal. “So far there are no other places included, but we are monitoring reports … at pinapaigting pa naming ngayon ang monitoring and quarantine protocols,” sinabi ni Reyes. Noong Setyembre 9, kinumpirma ng…

Read More

ILANG LUGAR SA CENTRAL LUZON MAY ASF NA RIN — DA

(NI ABBY MENDOZA) ILAN pang lugar sa Central Luzon ang inilagay na rin ng Department of Agriculture (DA) sa quarantine dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng African Swine Flu(ASF). Hindi naman sinabi pa ni Agriculture Secretary William Dar ang nasabing mga lugar maliban sa pagsasabing nasa Central Luzon ang mga ito. Matatandaan na ang Rizal at Guiguinto sa Bulacan ang dalawang lugar na nagpositibo sa ASF. “Nadagdagan pa po ‘yung mga lugar na under quarantine pero hindi muna namin puwedeng sabihin kung saan,” giit ni Dar. Sa ngayon ay nagpapatupad…

Read More

DA SA HOG RAISERS: ‘WAG IPAANOD SA ILOG ANG PATAY NA BABOY

(NI ABBY MENDOZA) UMAAPELA si Agriculture Secretary William Dar sa mga nag-aalaga ng baboy na huwag ipaanod sa ilog ang mga namatay nilang alagang baboy upang hindi na kumalat pa ang African Swine Flu. Ayon kay Dar, ang pagtatapon ng mga baboy ay maaari lamang magpalala ng sitwasyon at posibleng mapalawak sa iba pang mga lugar ang apektado ng ASF. “Huwag nyong itapon bagkus agad na i-report sa DA sakaling ang alagang baboy ay pinaghihinalaang apektado ng ASF para sa proper disposal,” dagdag pa ng Kalihim. Sa ngayon umano ay sa…

Read More

TASK FORCE KONTRA ASF IKINASA

Task Force vs ASF

(Ni JO CALIM) Nagsagawa ng pagpupulong ang Prevention and Control Task Force ng lalawigan ng Aklan upang mapigilan ang posibleng pananalanta sa kanila ng African Swine Fever (ASF) na nakaaapekto sa mga alagang baboy. Pinangunahan ang pagpupulong ni Aklan Gov. Flo­rencio T. Miraflores noong Agosto  27, 2019 sa confe­rence room ng Aklan Provincial Capitol. Kabilang sa mga bumubuo ng task force  ay ang kinatawan mula sa Bureau of Customs-Kalibo International Airport, Veterinary Quarantine Service-VI-BAI, Aklan Provincial Office, Kalibo LGUs, Philippine National Police, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of…

Read More

BOC ALERTO PA RIN VS ASF

BOC-ASF-2

(Ni Boy Anacta) Nananatili pa ring alerto ang Bureau of Customs (BOC) laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng mga karne at produktong kontaminado ng African Swine Fever (ASF). Sa kabila ng paghihigpit ng BOC, may mga tao o negosyante pa ring matitigas ang mga ulo na nagtatangkang magpasok ng mga karne at iba pang produkto na posibleng kontaminado ng nasabing sakit partikular ang mga bansang kumpirmadong apektado nito tulad ng bansang China. Dahil dito, nananatiling banned ang meat products mula sa mga bansang apektado ng ASF at patuloy ang…

Read More

DA: LUNCHEON MEAT POSITIBO SA AFRICAN SWINE FEVER

dasec12

(NI DAHLIA S. ANIN) NAGPOSITIBO sa African Swine Fever virus ang ilang de latang nakumpiska sa isang paliparan sa bansa, ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol. Ang mga pork luncheon meat products mula sa Hong Kong ay nakumpiska sa Clark International Airport noong Marso 25, dahil sa pag-ban ng ahensya sa mga processed pork products mula sa mga bansang apektado ng ASF. Sinabi ni Piñol na kung hindi nakumpiska ang mga produktong iyon ay maaring kumalat ang ASF dito sa bansa. “Kung nalulusot po ito at naipakain sa mga alagang…

Read More