(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINABUBUSISI ni Senador Leila de Lima sa Senado ang impormasyon hinggil sa malawakang bentahan ng mga bagong panganak na sanggol sa tinatawag na ‘underground black markets’ sa bansa. Sinabi ni de Lima na nakababahala ang mga ganitong ulat dahil inilalagay nito sa panganib ang mga sanggol at posible silang maabuso. Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 224, iginiit ng senador na dapat magsagawa ng imbestigasyon ang kaukulang Senate committee upang matukoy ang tinatawag na underground “babies-for-sale” trade sa online at offline transactions. Inamin ni de Lima na…
Read More