IKA-5 BAGYO NG SEPT. PAPASOK NGAYONG SABADO — PAGASA

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) TULUYANG magiging bagyo ang sama ng panahon na namataan sa Visayas at tatawaging bagyong ‘Onyok’. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sa loob ng 24-oras inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Onyok’ na ikalimang bagyo sa buwan lamang ng Setyembre. Sa weather forecast ng Pagasa ay hindi inaasahang tatama sa lupa ang bagyo. Ang sama ng panahon ay huling namataan sa 1,410 kilometro ang layo mula sa Visayas, kumikilos ito sa bilis na 30kph, taglay ang lakas ng hangin na 45kph…

Read More

BAGYONG ‘NIMFA’ BINABANTAYAN; 1 PANG LPA, HABAGAT HUMAHATAW

ulan55

(NI JEDI PIA REYES) GANAP nang bagyo at patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) sa Basco, Batanes at tinawag ngayong ‘Nimfa’. Kasabay ng paghataw ng tropical depression ‘Nimfa’ ay ang isa pang LPA na nasa kanlurang bahagi ng Zambales bukod pa sa malakas na epekto ng hanging Habagat. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astromical Services Administration (Pagasa), hindi na inaasahang magla-landfall ang bagyong ‘Nimfa’ ngunit nagpapabago-bago aniya ang galaw nito. Asahan na ang mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Central Luzon at Occidental Mindoro…

Read More

2 LPA, 1 BAGYO SA LABAS NG PAR NAGPAPALAKAS SA HABAGAT

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) DALA ng hanging habagat ang nararansang pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa na pinalalakas ng dalawang Low Pressure Area at isang bagyo na nasa labas  ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa), ang isang LPA ay ang dating bagyong Marilyn, una na itong nakalabas ng PAR, humina at naging LPA subalit sa wind forecast ahensya ay inaasahang babalik ito ng PAR  sa loob ng susunod na 48 oras. Ang isa pang LPA ay namataan sa kanluran ng Zambales, mababa ang tsansa…

Read More

BAGYONG ‘MARILYN’ NASA PAR NA

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) ISA nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng bansa at bukas inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) pagpasok ng bagyo sa PAR ay tatawagin itong bagyong Marilyn, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h at bugso na 70kph. Bagama’t nasa labas ng PAR ay apektado na umano ng buntot ng bagyo ang Occidental Mindoro,Oriental Mindoro, Romblon,Marinduque, Palawan, Bicol at Visayas na nakakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan. Hindi inaasahan ng…

Read More

PAG-ULAN DULOT NG PAPALAPIT NA LPA

rain

(NI KIKO CUETO) PATULOY na nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang malaking bahagi ng Luzon, habang papalapit ang isang low pressure area sa bansa. Kabilang sa mga makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, at Central Luzon regions maging ang Rizal province. Sinabi ni Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na dapat maging maingat pa rin ngayon, lalo na sa northern Luzon, dahil sa mga pagbaha. Posibleng namang maging ganap na bagyo ang low pressure area na tatawaging ‘Marilyn’. Ito ang magiging ika-13 bagyo na…

Read More

BAGYONG ‘LIWAYWAY’ LUMAKAS; NAMATAAN SA CAMNORTE

BAGYONG USMAN-2

(NI DAHLIA S. ANIN) MAS lumakas pa ang bagyong ‘Liwayway’ na may international name ‘LingLing’ na isa na ngayong tropical storm, ayon sa Pagasa. Magdadala ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang bagyong ito sa Bicol Region, Cagayan, kasama ang Babuyan Islands at Batanes. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa mga nabanggit na lugar. Hindi naman inaasahang  tatama sa kalupaan ang bagyo. Huling namataan ang sentro nito sa layong 340 kilometro Silangan-HilagangSilangan ng Daet, Camarines Norte o 455 kilometro sa Silangan…

Read More

BAGYONG ‘LIWAYWAY’ NAMATAAN SA SURIGAO DEL SUR

pagasa rains

(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang paglabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ni bagyong ‘Kabayan’, naging isang ganap na bagyo na rin ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao, ayon sa Pagasa. Pinangalanang ‘Liwayway’ ang bagong bagyo  na magdadala ng mahina hanggang malakas na pag ulan sa CARAGA at Davao dahil sa extension ni ‘Liwayway’. Pinag-iingat ang mag residente sa nasabing lugar na nakatira sa bahain at landslide-prone na lugar. Sa ngayon ay wala pang cyclone wind signals ang nakataas sa mga nasabing lugar. Huling namataan si ‘Liwayway’…

Read More

BAGYONG ‘JENNY’ NAKAPASOK NA NG BANSA

rain44

(NI ABBY MENDOZA) ISA nang bagyo at tinawag na bagyong ‘Jenny’ ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Virac, Catanduanes. Inaasahang palalakasin ito ng habagat at kung hindi magbabago ng direksyon ay magla-landfall ito sa Northern o Central Luzon. Sa severe weather bulletin na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) ng alas 5:00 ng hapon, sinabi nito na buong maghapon ng Agosto 27 ay asahan ang mahina hanggang katamtaman na pag-uulan sa  Caraga, Eastern Visayas at Bicol Region. Sa araw ng Miyerkoles,  Agosto 28 ay mas malalakas…

Read More

LPA SA LOOB NG BANSA HINDI MAGIGING BAGYO–PAGASA

pagasa12

(NI ABBY MENDOZA) ISANG low-pressure area (LPA) na nasa loob ng bansa ang nagdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Visayas subalit hindi ito magiging ganap na bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Atronomical Services Administration(Pagasa) maliit ang tiyansang maging bagyo ng LPA na huling namataan 975 km east ng Catarman, Northern Samar. Sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na ang buntot ng LPA ang naghahatid ng pag-uulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur habang ang hanging habagat ang nakaaapekto sa…

Read More