LIZA SOBERANO, BALIK-ESKWELA NA

liza44

KAPAG bakante si Liza Soberano o walang major project, pinagpapatuloy nito ang kanyang pag-aaral. Noong Lunes, Agosto 19, balik-eskwela na nga ulit si Liza sa Southville International School and Colleges sa Las Piñas City, kung saan kumukuha siya ng kursong Psychology. Nag-post siya ng larawan kasama ang isang guro at nilagyan ito ng caption na: “What I like most about being a student is the joy of discovering new things and appreciating what the world has to offer. Glad to be back @southville is #SouthvilleMonarch.” 190

Read More

BALIK-ESKWELA PAYAPA

briones12

(NI MARC CABREROS) BAGAMA’T may ilang gusot, tinayang maayos at mapayapa, sa kabuuan, ang pagbabalik-eskwela para sa Academic Year 2019-2020. Sa ulat na natanggap ng Oplan Balik Eskwela Command Center sa Bulwagan ng Karunungan sa Central Office ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City, may ilang problema ang sumalubong sa dagsang estudyanteng pumasok. Kabilang sa problema ang pagsiksikan ng mga estudyante sa mga silid-aralan bunsod nang mataas na enrolment sa ilang paaralan. Bilang  solusyon ay hinati ang shift ng klase: 6 a.m. hanggang 12:20 noon at 1 p.m. hanggang…

Read More

MAUTE-ISIS RETURNEES NAIS MAGBALIK-ESKWELA

maute12

(NI MAC CABREROS) MAKABALIK sa pag-aaral ang isa sa adhikain ng mga dating ‘sundalo’ ng Maute brothers na sumalakay sa Marawi ilang taon nang nakararaan, inihayag ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) at Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP). Ayon TFBM assistant Secretary Felix Castro Jr., nais din ng mga rebel returnees na magkaroon sila ng kabuhayan para may mapagkunan ng pantustos sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Upang matugunan ang kahilingan, itinaguyod ng TFBM at OPAPP, sa pakikipagtulangan ng 49th at 9th Infantry Batallion ng 103rd Brigade…

Read More

BILANG NG ENROLLEES TUMAAS

deped12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na kampanya ng Department of Education (DepEd) ay lalong tumaas ang bilang ng mga enrollees sa lahat ng antas ngayong school year 2019-2020. Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, mayroong 27,817,737 ang bilang ng mga enrollees ngayong taon na mas mataas kumpara noong nakaraang taon ng 2.95%. Bunsod nito, umaasa ang DepEd na sa mga susunod na taon ay bababa pa ang bilang ng mga out-of-school youth sa buong bansa. Dagdag pa nito, naging matagumpay ang kanilang kampanya na early enrollment campaign para hikayatin…

Read More

MILF NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA SA LANAO

balik12

(NI MICHAEL NAVARRO) MUNAI Lanao del Norte — Nakiisa sa inilunsad na Brigada Eskwela ang MILF  sa pangunguna ni dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander at ngayon ay Bangsamoro Transition Authority (BTA) member Hon. Abdullah Macapaar o mas kilala sa tawag na “Kumander Bravo”, kasama ang 4th Mechanized Infantry Battalion at ang Department of Education (DepEd) sa kanilang “Brigada Eskwela”. Kasabay din ito ng paglulunsad ng Alternative Learning System (ALS) center sa Camp Bilal (Kora-kora), Barangay Tamparan, Munai Lanao del Norte noong Lunes. Sa tema ngayong taon na “Matatag…

Read More

HIGIT 27-M ESTUDYANTE BALIK-ESKWELA SA JUNE 3

student12

(NI KEVIN COLLANTES) MAHIGIT sa 27 milyong estudyante mula sa elementarya at high school ang inaasahang magbabalik-paaralan na sa Hunyo 3, na unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Inaasahan naman ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali, na madaragdagan pa ang naturang bilang dahil karaniwan na aniyang nadaragdagan pa ito sa mismong araw ng pasukan. “If we base the number of students we had in the school year 2018-2019, there will be around 27 million students this school year in public elementary and high schools.…

Read More