Naalala n’yo pa ba ang nag-trending nitong nakalipas na mga buwan na kung saan ang isa nating Kabayani na nasa shelter ay inatake sa puso dahil diumano ay sa sama ng loob dahil sinigawan ng isang opisyales sa Philippine Embassy-POLO (Philippine Overseas Labor Office) sa Jeddah? Ang aking tinutukoy ay ang nasawing OFW na si Emelita Pacada Gonzales noong Enero 24, 2019. Ayon sa sumbong na ating natanggap ay nagtungo si Gonzales sa OWWA Shelter upang magkanlong at magpasaklolo noong Setyembre 2018. Makalipas ng ilang buwan na pamamalagi sa shelter…
Read MoreTag: BANTAY OFW
PAGPAPAUWI NG BANGKAY NG OFW, INAKSYUNAN NI REP. JOHN BERTIZ
Dumulog sa inyong lingkod ang isang ina ng OFW mula sa Lipa City, Batangas na si Eliza Dioneda upang ihingi ng tulong para sa mabilis na pagpapauwi ng bangkay ng kanyang anak na lalaki na si Noriel C. Dioneda na nasa Khamiz, Saudi Arabia. Ang kanyang anak na si Noriel ay namamasukan bilang driver sa Saudi Arabia at nakapag-asawa ng isa ring Filipina at ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng isang anak. Kamakailan natagpuan na lamang na isa nang bangkay si Noriel at ito diumano ay nagpakamatay dahil sa problemang…
Read MoreLIBRENG OFW HOSPITAL PASISIMULAN NA
Nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Mangagawa o Labor Day, ay naging araw ng pagdiriwang ng maraming mga OFW sa kadahilanang ito rin ang araw kung saan ay pormal na pinasimulan ang pagpaplano ng OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga. Magugunita na isa ang AKOOFW sa ilang organisasyon at indibiduwal na nagsusulong ng pagkakaroon ng OFW HOSPITAL o kaya ay OFW Hospital Ward sa lahat ng Regional Hospital sa buong Pilipinas. Kung kaya, isa ang inyong lingkod bilang Chairman ng AKOOFW at si Marcia Gonzalez-Sadicon bilang National President ang naimbitahan…
Read MoreNATARANTA ANG POLO KUWAIT; SHASO INTERNATIONAL MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
Tila nataranta ang ilang opisyales ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa aking naisulat na artikulo ukol sa paglalasingan ng ilang opisyal sa loob mismo ng kanilang opisina. Ilang tawag sa telepono ang aking natanggap na karamihan ay mga secretary at may-ari ng ahensya sa Pilipinas at sa Kuwait. Ilan sa kanila ay nagpapapadrino sa ilang opisyal at ang ilan ay nagpapatunay na alam nila ang nangyaring ito. Nagkita kami ni Department of Labor and Employment Undersecretary Claro Arrelano ng International Labor Affairs Bureau (ILAB) at napag-usapan namin ang sitwasyon…
Read MoreILANG OPISYAL NG POLO KUWAIT, NAGLALASINGAN SA MISMONG OPISINA?
Samu’t saring dagdag impormasyon at reaksyon ang aking natanggap mula nang aking ilathala sa aking Facebook account na aking tatalupan ang nagaganap na anomalya sa ating Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait. Isa na rito ay ang sumbong ng isa sa mga “volunteer ward” na hanggang sa kasalukuyan ay nasa loob pa rin ng OWWA Shelter kung kaya hindi natin papangalanan ayon na rin sa kanyang kahilingan. Ayon sa ating “inside informer” ay nitong nakaraang buwan lamang ay nag-organisa ng isang munting kasiyahan ang dalawang opisyal ng POLO kasama ang…
Read MoreOFW BUGBOG SARADO SA EMPLOYER AT TINATAKOT PA NG TAUHAN NG AHENSYA
Dahil sa tatlong parte ng aking expose sa anomalya sa ating embahada sa Kuwait, ay nabinbin ang mga kaso o sumbong na inilapit sa atin. Kung kaya, imbes na ang usapin sa anomalya sa Special Power of Attorney ang ating tatalakayin, ay bibigyan muna natin ng puwang ang inyong mga sumbong. Ngunit bago natin simulan ang mga panawagan ay ibig ko po na magpasalamat kay Welfare Officers Yolanda Peñaranda na nakipag-ugnayan sa ating masisipag na Welfare Officers sa Riyadh Saudi Arabia sa kanilang mabilis na pag-asikaso sa ating apat na…
Read MoreISYU NG ‘CASE FOR SALE’
Matapos na aking mailathala ang dalawang parte ng aking artikulo, ay nagsunud-sunod naman ang pagpasok ng mga impormasyon ukol sa nagaganap umano na katiwalian sa ating Philippine Embassy sa Kuwait. Ngunit bago ko ilathala ang mga bagong kaganapan sa Philippine Embassy sa Kuwait, hayaan ninyong balikan muna natin ang mga nakaraang pangyayari na may kinalaman sa klase ng “serbisyo pangkabuhayan” ng Assistance To National Unit (ATNU). Noong Oktubre 12, 2018 ay nakatanggap ako ng isang sumbong mula sa isang distressed workers na nasa shelter ng Philippine Overseas Labor Office. Ipinadala niya ang…
Read MoreANOMALYA SA LEGAL ASSISTANCE FUND NG EMBAHADA SA KUWAIT (PART 2)
Hindi na ako nagulat sa sumbong na ito ng ating mga kaibigan sa FILCOM at sa secretaries ng ahensya dahil ako mismo ay may personal na natunghayan sa mga anomalya ng mga taga-Philippine Embassy sa Kuwait. Ito ay nagmula noong nagdeklara ng deployment ban ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nang dahil sa deployment ban ay nagtungo ang ilang opisyales ng Department of Foreign Affairs (DFA) para magbigay ng assistance para sa mga uuwi ng Pilipinas. Ilan sa mga opisyales ng DFA ay gumawa pa ng isang video nang pagre-rescue na alam naman nilang…
Read MorePOLO AT EMBAHADA SA KUWAIT NAGBABANGAYAN DAHIL SA PERA? (PART 1)
Dahil ang Kuwait ay napakalayo sa ating bansa, kung kaya halos hindi natin nababalitaan ang mga kaganapan dun, maliban na lamang sa mga lumalabas sa social media. Kamakailan ay ipinarating sa atin ng ilang mga kaibigan sa Filipino community at pati na rin ng mga nasa industriya ng recruitment ang mga kaganapan sa Philippine Embassy sa Kuwait at sa Philippine Overseas Labor Office (POLO). Wala tayong kamalay-malay dito sa Pilipinas na nagkakagulo na pala at nag-aaway ang ating mga “Honorable” officials doon dahil diumano sa kitaan ng kanilang raket. Ayon…
Read More