BOC PINAHALAGAHAN ANG KABABAIHAN

BOC-MAGNA CARTA OF WOMEN

(Ni JO CALIM) ISANG seminar kaugnay sa Magna Carta of Women (RA 9710) ang ginanap sa Port of Subic noong nakaraang linggo na pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC). Layon ng pagpupulong na may temang “VAW-FREE Community Starts with Me!” na magbigay suporta sa 18-araw na kampanya na “End Violence Against Women 2019” upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Kaya nga kasamang tinalakay sa seminar ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 (RA 9262). Ilang resource speakers ang dumalo sa seminar kabilang ang dalawang pulis na miyembro ng Philippine National Police-Olongapo City. Pinangunahan ni BOC Port…

Read More

MALASAKIT SA KAPWA NG BOC

BOC-PORT OF MANILA

IPINAKITA ng Bureau of Customs-Port of Manila na handa silang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga biktima ng kalamidad. Sa pangunguna nina Atty. Florante Macarilay, Deputy Collector for Assessment; Atty. Ma. Liza Sebastian, Deputy Collector for Operations at Carmencita Cerdenia, Deputy Collector for Administration ang pagtitipon ng kanilang mga tulong. Ilan sa mga donasyon ng POM ay mga kumot, damit, kulambo, diapers, hygiene kits, de lata, noodles, gamot, tubig at iba pa na itinurn over nila sa Non-Government Office na magdadala sa Mindanao kung saan maraming pamilya ang napinsala ng kalamidad.  (Boy Anacta) 195

Read More

MULTI-SECTOR GOVERNANCE COUNCIL BINUO NG BOC

MULTI-SECTOR GOVERNANCE COUNCIL

DAHIL sa matagumpay na pagpasa sa ‘initiation stage’ ng Performance Governance System (PGS), binuo ng Bureau of Customs ang kanilang Multi-Sector Go­vernance Council (MSGC) na sa ibang organisasyon ay tinatawag na advisory council. Pinangunahan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagbuo ng MSGC na binubuo ng sectoral leaders at kinatawan na tatayong external advisory group na naatasan upang magbigay ng ekspertong payo sa Bureau of Customs (BOC). Layon ng pagtatayo ng MSGC na pagtulung-tulungan ang pagtupad sa layunin at pangitain ng BOC na mapalakas at mapatatag ang kanilang tanggapan upang maabot ang Customs administration at global standard. Inaasahang ang mga bumubuo ng…

Read More

SMUGGLED POULTRY PRODUCTS SA NAVOTAS IIMBESTIGAHAN

(NI ALAIN AJERO) IIMBESTIGAHAN ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang iligal na pagpapasok ng higit 12.6 toneladang iladong  poultry products mula umano sa Tsina na nasabat sa isang storage facility sa lungsod ng Navotas. Sinabi ni Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na tinitingnan na ng bureau ang serial number ng container van na naglalaman ng nasabing kontrabando upang matukoy kung saan ito pumasok at kung sino ang responsable sa inspeksyon nito. Ayon pa kay Maronilla, titingnan ng BOC ang kanilang proseso para malaman kung…

Read More

P7.4-M PEKENG YOSI NASABAT NG BOC PORT OF TACLOBAN

PEKENG YOSI

(Ni JOEL O. AMONGO) AABOT ng P7.4 milyong halaga ng pekeng sigaril­yo ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Tacloban mula sa dalawang Chinese national sa Brgy. Nula-Tula ng nasabing siyudad noong Disyembre 8. Ang mga sigarilyong may kabuuang 369 kahon na may tatak na Mighty Cigarettes ay nasabat sa bayan ng San Miguel sa lalawigan ng Leyte at lulan ng sasakyang minamaneho ng isang Filipino driver. Dumaan umano ang minamanehong sasakyan ni Jorge Poraza Mantoa, 24-anyos, may-asawa, nakatira sa Brgy. Utap, Tacloban City, sa isang checkpoint sa nasabing lugar at nang masitang walang driver’s license ay natuklasan ang kargang mga sigarilyo ng kanyang sasakyan. Kinilala naman ang dalawang Chinese na­tional na sina…

Read More

BOC TUMANGGAP NG MATAAS NA PARANGAL

Gold Governance Trailblazer award

(Ni Joel O. Amongo) HINDI lang naipasa ng Bureau of Customs ang ‘initiation stage’ ng Performance Gover­nance System (PGS) subalit tumanggap pa ito ng Gold Governance Trailblazer award, ang pinakamataas na parangal ng PGS, matapos ganapin ang Forum Revalida nito sa Bayanihan Center sa Unilab, Pasig City. Sa pamamagitan ng pagpupursige ni Commissioner Rey Leonard B. Guerrero at sa pakikipagtulungan ng mga tauhan at opisyales ng BOC tungo sa pagbabago ng tanggapan na nais maganap gamit ang PGS, isang hakbang upang hubugin at magkaroon ng pagtutulungan upang mailahad, maipatupad at mapanatili ang magandang layunin para sa pagbabago. Ipinakita ni Commissioner Guerrero sa kanyang presentasyon sa PGS Revalida ang…

Read More

MALL SA BINONDO SINALAKAY NG BOC

pekeng produkto-2

AABOT sa halos P70 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG), Customs Intelligence and Inves­tigation Service (CIIS), Intellectual Pro­perty Rights Division  (IPRD) at Armed For­ces of the Philippines sa storage units ng isang shopping mall sa Binondo, Manila noong nakaraang Linggo. Armado ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ginalugad ng mga miyembro ng raiding team base sa impormasyon at reklamo ng Baranda & Associates ang mahigit 70 sto­rage units ng mall kung saan nakatago ang mga pekeng produkto. Kabilang sa mga natagpuan sa loob ng bodega ay mga smuggled goods tulad ng mga  replica items na brand ng…

Read More

GAGAMITIN SA CASINO? P6-B CASH IDINAAN SA NAIA

(NI ABBY MENDOZA) IBINUNYAG ni ACT CIS Rep. Eric Yap na may P6 bilyong cash ang pumasok sa bansa mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagitan lamang ng buwan ng Seyembre hanggang Oktubre na nanggaling sa Hongkong at Singapore. Ayon kay Yap, male-maleta nang dumating ang mga pera na ang may bitbit ay mga Pinoy base na rin sa kanilang mga pasaporte, nang tanungin ay gagamitin umano ito sa casino. Sinabi ni Yap na walang batas na nagbabawal magpasok ng malaking halaga sa bansa basta lamang ideklara ito.…

Read More

BOC: KOMUNIKASYON, SAGOT SA MAGANDANG SERBISYO

Dialogue with BOC stakeholders

LAYON na maging malinaw sa lahat ang mga panuntunan at regulasyon ng kanilang tanggapan, nagsagawa ng dayalogo sa stakeholders,  importer at customs broker ang Bureau of Customs noong nakaraang buwan sa Cagayan de Oro, Cebu at Maynila. Maliban sa panuntunan at proseso, tinalakay din sa pag-uusap ang National Value Verification System (NVVS) , Customs Accreditation at Accounts Management Office (AMO) kasabay ng pagbanggit sa BOC mo­dernization projects tulad ng Parcel and Balikbayan Box Tracking System. Sa Port of Cagayan de Oro, dumalo ang animnapung (60) importers at customs brokers na…

Read More