(Ni JOEL O. AMONGO) Naging positibo at maganda ang performance ng Bureau of Customs (BOC) para sa first semester ng 2019. Bunga ito sa masusing pagtalima ng ahensya sa kanilang ‘10-Point Priority Program’ na kanilang gabay para sa positibong pagbabago. Ang pinakamalaking tagumpay ng BOC ay ang larangang may kinalaman sa automation ng Customs system and processes; creation of integrity quality management unit; streamlining of systems & processes; strengthening of the intelligence and enforcement operations; enhancement of international relations and compliance; and delivery of efficient, transparent and compliant administration and…
Read MoreTag: BOC
SERBISYO NG BOC PAGAGANDAHIN PA
(Ni BOY ANACTA) Sa layuning pagandahin pa ang paghahatid serbisyo sa publiko ng Bureau of Customs (BOC), nag-enroll ang ahensya sa Performance Governance System (PGS). Bahagi nito ay ang pakikipag-ugnayan ng BOC sa Institute for Solidarity in Asia (ISA) para sa ‘strategic planning facilitation services’ . Layunin nito na maging moderno na ang BOC para magkaroon ng mataas na kalidad ng serbisyo sa stakeholders partikular pagdating sa designing, executing, monitoring at sustaining strategy na siyang pangunahing plataporma ng PGS. Dahil dito, sumailalim ang BOC sa 3-araw na ‘Strategic Positioning and…
Read More$12,000 NAKUMPISKA NG BOC SA NAIA
(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bagong modus o style ng smuggling ng sindikato, hindi smuggling ng illegal drugs o endangered species kundi smuggling ng pera galing sa ibang bansa. Nabatid mula kay BOC-NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang naturang foreign currencies ng kanyang mga tauhan pagdaan sa x-ray machines na aabot sa $12, 000 (tig $100 dollar bills) katumbas ng kalahating milyong piso. Sa nakalap na impormasyon, ang naturang foreign currences ay ipinadala via air cargo…
Read MoreMAMAHALING SASAKYAN, MAKINA SA PAGGAWA NG SIGARILYO SINIRA NG BOC
Tuluyan nang sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang 1 unit ng mamahaling sasakyan, 12 makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo at 1,000 master cases ng iba’t bang brand ng sigarilyo na isinagawa sa PUC Parking Bureau ng Customs Compound, Port Area, Manila noong nakaraang Hulyo 23, 2019. Pinangunahan ito ni Undersecretary Jesus Melchor V. Quitain, OIC ng Office of the Special Assistant to the President. Kabilang sa mga sinira ay ang Ferrari, na idineklarang gamit na auto spare parts, na dumating sa Port of Manila (POM) noong Mayo 13,…
Read MoreKORAPSIYON SA BoC IIMBESTIGAHAN NG NBI
(NI HARVEY PEREZ) PINAIIMBESTIGAHAN ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra sa National Bureau of Investigation(NBI) ang nagaganap na korapsiyon sa Bureau of Customs (BoC). Nabatid na sa inisyu nitong Department Order 383, inatasan ni Guevarra si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng masusing imbestigasyon at case build-up sa mga opisyal at kawani ng BOC sangkot sa katiwalian. Kaagad rin pinakakasuhan ni Gievarra sa DoJ, ang mga opisyal ng BoC, mapapatunayan sangkot sa katiwalian. Sinabi ni Guevarra, ang mga paiimbestigahan ay iyong tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State…
Read MoreNON-BROKERS MAKAPAGREREHISTRO NA BILANG DECLARANTS NG BOC
(Ni Jomar Operario) Maaari nang magparehistro bilang declarants ng Bureau of Customs (BOC) ang mga non-brokers. Ito’y matapos na pahintulutan ng BOC ang lahat ng importers ang kanilang mga tao na tumayong ahente o Attorney-in-Fact na magdesisyon kung saan ilalagak at ipoproseso ang kanilang declaration of goods sa ahensya sa pagsumite ng aplikasyon para makakuha ng Certificate of Accreditation bilang declarant mula sa ahensya. Kaalinsunod na rin ito sa inilabas na Customs Memorandum Order (CMO) No. 34-2019 na kung saan nakasaad na ang declarant ay responsable para sa tamang declaration…
Read MoreREGULASYON SA ‘THIRD PARTY ACCREDITATION’ HINIGPITAN NG BOC
(Ni Boy Anacta) Bilang bahagi pa rin ng inisyatibo para masugpo ang korapsyon at smuggling sa Bureau of Customs (BOC), hinigpitan na ang pagbabantay laban sa mga hindi awtorisadong transaksyon sa Aduana. Kaalinsunod na rin ito sa inilabas na Customs Administrative Order (CAO) No. 06-2019 na naglalayong bantayan at higpitan pa ang mga transaksyon ng ahensya. Partikular na hinigpitan ay ang ipinatupad nitong regulasyon kaugnay sa accreditation ng ‘third parties’ na awtorisadong makipagtransaksyon sa ahensya. Ayon sa BOC, magtatakda ng karagdagang requirements ang ahensya para sa ‘third parties’ na siyang …
Read MoreOPERASYON NG BOC-CIIS, ESS AT PNP-CIDG: 2 HULI SA PAGBEBENTA NG KONTRABANDO
Naaresto ng pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang lalaki dahil sa ilegal na pagbebenta ng items na nasabat ng BOC kamakailan. Nakilala ang mga naaresto na sina Primo Baldon at Richard Lagrolia. Ayon sa report, noong Hulyo 12, 2019, ang mga elemento ng CIIS at ESS ay nakipag-ugnayan kina PLtCol Cesar G. Paday-os, chief ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) kaugnay sa ulat ukol sa iregularidad ng …
Read MoreBOC PINANGUNAHAN ANG ASW 48TH MEETING
Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC) ang 48th meeting ng ASEAN Single Window (ASW) na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa Asya na isinagawa sa Rizal Park Hotel, kamakailan. Ang ASW ay isang regional initiative, na ang layunin ay magkaroon ng maayos na cross-border electronic exchange ng Customs documents sa pagitan ng ASEAN’s 10 member-states. Pangunahing lumahok sa four-day meeting ay ang Technical Working Group (TWG) mula sa mga delegado ng ASEAN member-states, miyembro ng Philippine delegation mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at kinatawan…
Read More