(NI HARVEY PEREZ)
PINAIIMBESTIGAHAN ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra sa National Bureau of Investigation(NBI) ang nagaganap na korapsiyon sa Bureau of Customs (BoC).
Nabatid na sa inisyu nitong Department Order 383, inatasan ni Guevarra si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng masusing imbestigasyon at case build-up sa mga opisyal at kawani ng BOC sangkot sa katiwalian.
Kaagad rin pinakakasuhan ni Gievarra sa DoJ, ang mga opisyal ng BoC, mapapatunayan sangkot sa katiwalian.
Sinabi ni Guevarra, ang mga paiimbestigahan ay iyong tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Magugunita na pinagsabihan ni Duterte ang mga opisyal na magsipagbitiw na sa kanilang tungkulin kung hindi ay iimbestigahan sila at kakasuhan.
383