PACQUIAO vs MCGREGOR TULOY NA

LALONG iinit ang balitang pagsasagupa nina eight-division champion at current WBA welterweight king Manny Pacquiao at MMA fighter Conor McGregor. Ito’y matapos ihayag ang paglagda ng kontrata ni Pacquiao sa Paradigm Sports Managament, para kumatawan sa Filipino champion sa nalalabing taon ng kanyang karera. “I am proud to partner with Paradigm Sports Management and am excited for the opportunities that Audie Attar and PSM have to offer,” pahayag ni Pacquiao. “One thing I want everyone to remember is to always think positively.  Never think negatively; that is the beginning of…

Read More

PH MEN’S BOXING TEAM; MAGKAKAMPO SA THAILAND

DALAWANG linggong magte-training ang Philippine men’s boxing team sa Thailand para sa Olympic boxing qualifiers sa Amman, Jordan, sa susunod na buwan. Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson na anim na iba pang national teams na sasabak sa Jordan slugfest ang magsasagawa rin ng training camp sa lungsod sa labas ng Bangkok. Ang naturang Olympic qualifiers ay orihinal na naka-iskedyul gawin sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China. Ngunit dahil sa coronaviruss outbreak ay napilitan ang International Olympic Committee na ilipat ito sa…

Read More

3 LABAN SUSUUNGIN NI ANCAJAS SA 2020

(NI DENNIS IÑIGO) TATAPUSIN lang ang Pasko ni International Boxing Federation super flyweight champion  Jerwin Ancajas bago magsimula sa kanyang preparasyon para sa kanyang susunod na makakalaban sa 2020. Magiging abala si Ancajas, na matagumpay na naidepensa ang kanyang titulo sa Mexico, sa susunod na taon kung saan inaasahang sasabak siya sa tatlong laban. Sa ngayon, dahil Christmas holiday, nasa relax mode pa ang IBF champ at kanyang  chief trainer na si Joven Jimenez sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite. Nakatakda silang pumunta sa Bukidnon at iba pang parte ng…

Read More

PH BOXERS SUSUNTOK PARA SA OVERALL TITLE      

(NI EDDIE G. ALINEA) MAGSISIMULA ngayon ang pakikibaka ng Philippine boxing team, na kinabibilangan ng reigning world champion, para sa inaasam na overall title sa boksing sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games sa bansa. Handang-handa na ang mga pambato ng bansa na sina 2019 International Boxing Association women’s featherweight belt-owner Nesthy Petecio at ex-titleholders Eumir Marcial at Josie Gabuco at iba pang teammates na gawin ang kanilang misyon simula ngayong araw sa PICC  Forum. Si Gabuco ay light-flyweight titlist noong 2012, habang si Marcial ay dating world junior middleweight…

Read More

2 PINOY BAKBAKAN SA VACANT IBF CROWN

(N VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports  Editor) KAPWA tumimbang ng 105 pounds, handang-handa na sina  na magbakbakan para sa bakanteng International Boxing Fedeation (IBF) minimum weight crown sa Jurado Hall sa loob ng Philippine Marine Corps Base sa Fort Bonifacio, Taguig ngayong gabi. Libre sa publiko ang slugfest na ipiprisinta ng Manny Pacquiao’s MP Promotions, kung saan itatampok sa unang pagkakataon sa halos 100 taon, na dalawang Pinoy ang magsasagupa sa world title fight na gaganapin sa bansa. Ang huling Filipino boxers na naglaban sa world fight sa lupain ng…

Read More

DAGDAG-PONDO SA BOXING, COMBAT SPORTS

sports44

(NI NOEL ABUEL) SA layuning makalikha ng mas maraming bilang ng mga magagaling na boxing champion at mga propesyunal na atleta sa bansa ay dapat na paglaanan ng dagdag na pondo. Ito ang nilalaman ng inihaing Senate Bill no. 805 ni Senador Ramon “Bong” Revilla na naglalayong paglaanan ng dagdag na benepisyo at pondo ng mga professional athletes upang maengganyo na mas marami pang atleta ang pumasok sa palakasan tulad ng boxing at mga lokal na Dumog, Kali, Eskrima, Kino Mutai, Panantukan, Sikaram, at Yawyan. Sinabi ni Revilla na marami…

Read More

DONNIE NIETES WAGI!

(NI VTROMANO) NAGBUNGA ang sakripisyo ni Donnie Nietes na malayo sa piling ng pamilya sa pagdiriwang ng New Year. Gayunpaman, makulay niyang sinalubong ang 2019 matapos umiskor ng pahirapang split decision win laban kay Japanese Kazuto Ioka, Lunes ng gabi sa Wynn Palace Cotai, Macao. Sinungkit ni Nietes ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super flyweight crown at maging four-division world champion. Binigo rin niya ang pangarap ni Ioka na maging kauna-unahang four-division world champion ng Japan. Ang iskor ng tatlong hurado: 118-110 at 116-112 para kay Nietes at 116-112…

Read More