‘OVERHAUL’ SA NBP TINIYAK  

titosotto

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMPIYANSA SI Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na matutuloy ang overhauling sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos ang mga pagbubunyag sa Senado hinggil sa mga sinasabing iregularidad sa kulungan. Sinabi ni Sotto na isa na rin sa napag-usapan nila ni Senador Bong Go na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal at kawani ng ahensya. “Sabi ko kay (Sen) Bong Go na sabihin kay Presisdente na walang matitirang nakatayo doon. Ibig sabihin tatanggalin lahat , overhaul yan,” saad ni Sotto sa panayam…

Read More

SUMUKO SA ILALIM NG GCTA SUMOBRA — DOJ

(NI HARVEY PEREZ) SUMOBRA umano ang bilang ng mga sumukong preso na pinalaya at nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Markk Perete dahil umabot na umano ito ng 1,950 na mas mataas sa 1,914 Persons Deprived of Liberty (PDL) na nasa listahan ng mga heinous crime convict na maagang pinalaya dahil sa maling aplikasyon ng GCTA. Nalaman kay Perete na ito ay sa dahilan na tinanggap pa rin ng Bureau of Corrections (BuCor), ang ibang pinalaya na wala naman…

Read More

P50-M PALIT-ULO SA NAHUHULING CHINESE DRUG LORD

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) LALONG tumibay ang hinala ng mga senador na marami pang iregularidad ang nangyayari sa Bureau of Corrections (Bucor) sa patuloy na imbestigasyon ng Senado. Sa ikaanim na pagdinig ng Senate Committee on Justice, iniharap ang mga bagong testigo na nagbunyag na talamak ang illegal na gawain sa loob ng Bucor. Isa si dating Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na noong nagsagawa ito ng imbestigasyon sa nangyayari sa loob ng National Bilibid Prison (NBP)…

Read More

DRUG LORDS SA BUCOR ITAPON SA WPS — SOLON

west12

(NI ABBY MENDOZA) BILANG radikal na solusyon sa mga nakakulong na bigtime drug lords na tuloy pa rin sa pagbebenta ng illegal drugs, iminungkahi ng isang lady solon na itapon ang mga ito sa West Philippine Sea. Sinabi ni ACT CIS Rep. Niña Taduran na  kailangan sa isang isla na walang signal ng cellphone, walang bantay na maaring suhulan at walang paraan upang makatakas ikulong ang mga druglords. Hindi na kailangan ng dagdagan ang  bantay dahil nasa WPS ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines. “The move would…

Read More

MATAPOS ANG BUCOR, OPERASYON SA BJMP BUBUSISIIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINDI paliligtasin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagsisiyasat hinggil operasyon ng droga sa bansa ang mga kulungan na sakop ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ito ay makaraang aminin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na mayroon ding operasyon ng droga na nagaganap sa mga kulungang saklaw ng BJMP. “It’s a revelation…I am not surprised at all that even up to now, it’s still happening, may drug operations being directed from inside,” saad ni Lacson. “Maski BJMP meron din. And…

Read More

‘DOJ DAPAT MAY REKTANG KONTROL SA BUCOR’

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat pang palawakin ang kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) sa mga attached agencies nito. Sinabi ni Drilon na dapat magkaroon nang direktang kontrol at superbisyon ang DOJ sa Bureau of Corrections (BuCor) gayundin sa iba pang ahensya upang masawata ang katiwalian at iba pang iligal na aktibidad sa ahensya. Dapat anyang amyendahan ang Republic Act 10575 o The Bureau of Corrections (BuCor) Act of 2013 dahil masyadong naging malakas ang kapangyarihan ng mga opisyal nito na nagresulta pa…

Read More

HIGH PROFILE INMATES NAGPAPATAKBO NG BUCOR — PING

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na kontrolado ng mga Chinese mafia at mayayaman at maiimpluwensyang tao ang operasyon sa National Bilibid Prison (NBP). Ayon sa senador, base sa impormasyon mula sa Philippine Drug Enforcement (PDEA), natukoy nito na karamihan sa mga nasabat nitong illegal drugs sa bansa ay nagtuturo sa loob ng NBP. “’Yung mga high profile inmates naging napakamakapangyarihan at napakamayaman na sila halos ang nagpapatakbo ng kulungan, hindi na ang gobyerno. Kasi sila na ang nagpapatakbo e,” aniya. “Nang tanungin natin ang PDEA, tanungin natin…

Read More

SANGKOT SA GCTA SA BUCOR SIBAKIN LAHAT! –DU30

(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na gugulong ang ulo ng lahat ng opisyal at personnel ng Bureau of Correction (BuCor) na mapatutunayang sangkot sa korupsiyon. Kasunod nito, iniutos ni Duterte na pansamantalang mamuno sa BuCor, ang ‘next in rank’ ng mga  employees ng mga sinuspindeng prison official sa naganap na pagpapalaya ng mga convicts  ng heinous crime sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ito ay habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga lumutang na korupsiyon. “Like the President said, our investigation is ongoing so…

Read More

HIGIT 300 INMATES SA GCTA SUMUKO

(NI ROSE PULGAR) AABOT na sa 323 inmates ang boluntaryong sumuko sa mga police station sa Metro Manila at sa mga lalawigan na nakalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law at  nakabalik na sa mga piitan. Base sa report ni Senior Inspector Sonny Del Rosario, tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor), sa kanilang tala ngayon ay nasa 323 heinous crime convicts na nakalaya sa pamamagitan ng GCTA law ang sumuko na sa loob ng dalawang linggo. Nabatid, na mahigit sa 2,000 heinous crime convicts ang nakinabang at napalaya sa GCTA…

Read More