(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa House Committee on Appropriations ang House Bill 4228 o ang P4.1 Trillion 2020 General Appropriations Bill (GAB). Inaprubahan ng komite ang panukala sa isang Executive Session. Kasunod ng naging pag-apruba ng komite sa 2020 budget ay iaakyat na ito sa House Plenary kung saan ngayong Setyembre 10 sisimulan ang plenary debate para sa budget. Sa iskedyul na itinakda ng Kamara ay dalawang Linggo ang gagawing debate sa plenaryo na isaagawa hanggang araw ng Biyernes at pagkaraan nito ay saka isasalang para naman sa Ikalawa…
Read MoreTag: budget
‘BUDGET SA PABAHAY NG MAHIHIRAP TIYAKING SAPAT’
(NI ABBY MENDOZA) PINASISIGURO ni House Assistant Majority Leader at Iloilo Rep Julienne Baronda na may sapat na pondo para sa pabahay sa mga mahihirap sa 2020. Ang pangamba ni Baronda ay kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng informal settlers sa bansa, mula sa 1.5 Million noong 2011 ay naging 2.2 Million na nitong 2015. Nabatid na noong 2011 ay umabot sa 5.7 milyon ang housing backlog hanggang 2016 kung saan kinakailangan na makapagtayo ng 2,602 na housing unit kada araw sa susunod na anim na taon para…
Read MoreP4.1-T BUDGET ISUSUMITE NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) ISUSUMITE na bukas, Martes, ng Department of Budget and Management (DBM), ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang napag-alaman sa tanggapan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez ukol sa kopya ng national budget na pormal nang isusumite ni DBM acting Secretary Wendel Avisado sa mga ito. Karaniwang isinusumite ng DBM ang kanilang proposed budget ilang araw pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa ikatlong Lunes ng Hulyo kaya…
Read MoreGURO NAGPO-PHOTO COPY NG MGA LIBRO
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG matiyak na mayroong materyales ang kanilang mga estudyante, napipilitang gumastos ang mga public school teachers sa pagpapa-photo copy ng mga libro. Ito ang nabatid kay ACT party-list Rep. France Castro kaya masakit umano sa loob nito habang ginagawa ito ng mga public school teachers ay mayroong mga text books ang hindi ipinamigay ng Department of Education (DepEd). Ang hinaing ay matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na hindi ipinamimigay ng DepEd sa mga public schools ang may P113.7 milyon halaga ng textbooks. Bukod pa dito…
Read MoreP4.1-T NAT’L BUDGET ‘DI IDIDISKARIL SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng mga senador na hindi ididiskaril o ibibimbin ang pag-apruba sa P4.1 trilyon na 2020 national budget at hindi matulad sa nangyari noong nakaraang taon. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Finance, kung saan target nitong maaprubahan bago ang October 5, 2019 at malagdaan ito bago o sa Disyembre 15. “We will be observing the practice of holding parallel hearings so that when the House-approved general appropriations bill (GAB) will arrive here in October or first week of November we…
Read MoreP4.7-M GAGASTUSIN SA SONA
(NI BERNARD TAGUINOD) GAGASTOS ang taumbayan ng P4.7 million para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22. Ito ang kinumirpa ni House Secretary General Roberto Maling sa press briefing nitong Huwebes ukol sa ginagawang preparasyon sa ikaapat na SONA ni Duterte. “Yung latest figure naming is P4.7 something million,” ani Maling nang tanungin kung magkano ang gagastusin sa SONA subalit mas maliit umano ito P4.9 million na ginastos noong 2018. Gagamitin umano ang nasabing halaga sa supplies and materials at mga iba pang aktibidad…
Read MoreGLORIA TIWALA SA DESISYON NI DU30 SA BUDGET
(BERNARD TAGUINOD) HINDI na kagulat-gulat kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget dahil noong siya ang pangulo ay ginagawa rin umano niya ito. Sa ambush interview kay Arroyo, sinabi nito na tiwala ito sa naging desisyon ni Duterte na i-veto ang mahigit P95 Billion sa P3.757 Trillion pondo ngayong taon. “Even me, I used to line veto. Every year I partially vetoed the budget. So it’s done and we trust the President’s judgement,” ang tanging pahayag ni Arroyo sa pag-veto ni Duterte…
Read MoreDEPED ‘DI KUNTENTO SA BILYONES NA PONDO
(NI BERNARD TAGUINOD) Bagama’t ang Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking bahagi sa national budget taon, taon, nananatiling kapos pa rin umano ito sa pondo. Ito ang inirereklamo nina ACT Teachers party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro sa gitna ng bangayan ng Executive Department at liderato ng Kamara hinggil sa bilyong-bilyong pork barrel sa 2019 national budget. “The DBM persists on telling our public school teachers and other government employees that there is not enough money for salary increase but as we can see, there is plenty of…
Read MoreASAM NI SOTTO: ENERO 2019 MAIPASA ANG P3.7-T BUDGET
UMAASA si Senate President Vicente Sotto III na maipapasa bago matapos ang Enero 2019 ang P3.7T budget ng national government. Ito ay makaraan ang ilang delay sa diskusyon sa plenaryo. Sa panayam, sinabi ni Sotto na nagbakasyon na ang Kongreso noong Dec 14 nang hindi naaprubahan ang panukala, ngunit umaasa na sa pagbubukas ng Kongreso sa Jan 14 ay agad itong tatalakayin. Tiniyak ni Sotto na isa ito sa mga prayoridad ng Kongreso at pagkatapos ay ang pag-amyenda bago isalang sa bicameral committee. “Alam naman ng Presidente na magkakakaroon ng…
Read More