(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maihanda ang mga tao, lalo na ang mga kabataan sa kalamidad, isasama na sa curriculum ng Department of Education (DepEd) ang Disaster Awareness and Disaster Mitigation. Ito ang nakapaloob sa House Bill 8044 na iniakda ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na nakabimbin ngayon sa House committee on basic education na pinamumunuan ni Rep. Ramon Durano VI. Sa sandaling maging batas ang nasabing panukala, magkakaroon ng hiwalay na subject ang mga elementary at high school students para ipamulat sa kanila ang mga kalamidad na nangyayari sa…
Read More