(NI BETH JULIAN) INIANUNSIYO na ngayong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Taguig City Representative Alan Peter Cayetano ang kanyang napipiling kandidato bilang Speaker of the House. Ang anunsyo ng Pangulo ay inilabas kasabay ng oath-taking ceremony ng mga bagong appointed na opisyal ng pamahalaan sa Malacanang. “Your Speaker will be Alan Peter Cayetano,” pahayag ni Duterte. Si Cayetano ay running mate ng Pangulo noong 2016 elections at naging secretary ng Foreign Affairs. Ayon sa Pangulo, isososyo ni Cayetano ang termino kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco. Sinabi ng…
Read MoreTag: cayetano
CAYETANO DAPAT SUMUNOD SA POC
(NI JEAN MALANUM) KIKILALANIN pa rin ng Philippine Olympic Committee (POC) si Taguig Congressman-elect Allan Peter Cayetano bilang chairman ng ad hoc committee para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games. Ayon kay POC acting president Jose Romasanta, si Cayetano ay mananatiling head ng organizing committee dahil siya ang itinalaga ni dating POC president Jose “Peping” Cojuangco noong 2017. “The PHISGOC, however, has to function as a mere committee under the Olympic council rule and not as chief of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation, Inc., different…
Read MoreCAYETANO SUPORTADO NG NUP SA SPEAKERSHIP
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T sa Hulyo 22 pa ang botohan sa plenaryo ng Kamara para sa speakership at iba pang posisyon sa gobyerno, inilalatag na ng ibang political party ang kanilang susuportahang kandidato. Sa statement ni National Unity Party (NUP) chair Ronaldo Puno, pinili ng mga ito si Taguig-Pateros Congressman-elect Allan Peter Cayetano bilang kanilang manok sa speakership. Ayon kay Puno, susuportahan umano ng kanilang partido ang kandidato sa speaker na may kakayahang mamuno sa Kamara at kayang ipatupad ang mga programa at polisya ni Pangulong Rodrigo Duterte. “For these…
Read MoreP1-M ‘VOTE BUYING’ SA SPEAKERSHIP KINUMPIRMA NI ALVAREZ
(NI ABBY MENDOZA) HINDI pa man nagsisimula ang 18th Congress simula na ang gapangan sa kung sino ang susunod na House Speaker. At sa gitna ng inaaaahang mainit na labanan sa mga contenders, kinumpirma ni dating House speaker Pantaleon Alvarez na may nag-aalok na ng P1M sa bawat kongresista para makuha ang kanilang boto. Bagama’t hindi tinukoy ni Alvarez kung sino sa mga aspirante sa speakership ang nagsisimula na ng vote buying sa mga kongresista, kinumpirma naman nito na P1M ang pondo para dito. Nitong nakaraang araw ay isang text…
Read MoreKAHIT MAY GAPANGAN; DU30 MAY ‘LAST SAY’ SA SPEAKERSHIP
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG sino ang susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kandidato sa speakership sa Kamara ang siyang magtatagumpay na mamumuno sa Kapulungan sa 18th Congress. Ito ang sinabi ng isang mambabatas sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan sa gitna ng “gapangan” ngayon ng mga kandidato sa speakership sa mga nanalong kongresista noong nakaraang eleksyon. Base sa impormasyon na nakarating sa Saksi Ngayon, nangunguna na si Leyte Congressman-elect Ferdinand Martin Romualdez kung paramihan na ng supporters ang pagbabasehan. Nabatid sa impormante na mayroon na umanong 126 congressmen ang…
Read More3 SPEAKER CANDIDATE BIGO SA SPEAKERSHIP KUNG…
(NI BERNARD TAGUINOD) MABIBIGO ang tatlong kandidato sa speakership sa 18th Congress na makuha ang nasabing posisyon kung hindi makikipag-alyansa ang kanilang kinabibilangang lapian sa ibang partido. Ito ang obserbasyon ng marami sa Kamara dahil hindi nakakuha ng sapat na boto ang partido nina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ng PDP-Laban; Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano ng Nationalista Party (NP) at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ng Lakas-CMD. Sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon, ang LDP-Laban ay nakapagpanalo lamang ng 83 district congressmen noong nakaraang eleksiyon, 43 sa NP at 10 naman…
Read MoreDISQUALIFICATION NG MAG-ASAWANG CAYETANO HININGI
(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY MJ ROMERO) KINUWESTIYON sa Commission on Elections (Comelec),ang kandidatura ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano bilang kinatawan ng District 1 at District 2 sa Taguig City. Si Alan Peter ay nagsabing nakatira siya sa Barangay Bagumbayan sa Taguig, habang si Lani ay nagsasabing siya ng residente ng Barangay Fort Bonifacio sa kabila na ang mag asawa ay nakatira sa Unit 352-A Two Serendra as Fort Bonifacio, Taguig. Martes ng tanghali ay nagsagawa ng pagkilos sa Comelec ang mga grupong gustong madiskuwalipika ang mag asawang Cayetano sa…
Read More