(NI NOEL ABUEL) TUTUTUKAN sa Senado ang pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa bansa bunsod ng nakaaalarmang report sa paglobo ng kanilang bilang. Ayon kay Senador Joel Villanueva, ipagpapatuloy nito ang committee hearing ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development sa nasabing usapin base na rin sa impormasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na 95 porsiyento na naaresto noong nakaraang taon ay pawang mga Chinese nationals. Idinagdag pa ni Villanueva na sa naarestong 167 foreign nationals at nakasuhan sa korte ay 159 sa mga Chinese illegal workers.…
Read More