CHINESE FRIGATE NA UMALIGID SA BRP CONRADO YAP ITINABOY

(NI AMIHAN SABILLO) NAMATAAN ang isang Chinese frigate na umaali-aligid sa unang corvette ng Philippine Navy habang patungo ng Pilipinas mula sa South Korea. Ito ang inihayag ni Phil Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad, nag-“shadow” anya ang naturang barkong pandigma ng China na BRP Conrado Yap, ngunit umalis din nang sabihan sila ng Philippine Navy na papasok na ito sa teritoryo ng bansa. Sinabi ni Empedrad, hindi umano mag-aatubili ang Philippine Navy na bigyan ng babala ang anumang Chinese vessel na mamataan nila sa loob ng territoryo ng bansa.…

Read More

PANANATILI NG CHINESE VESSELS TATALAKAYIN

chinese vessels12

(NI BETH JULIAN) KINUMPIRMA ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na pag uusapan na sa Bilateral Consultative Mechanism  (BCM) ang mga isyu ng pananatili ng mga Chinese vessels sa Pag-asa Island at pagkuha ng mga mangingisdang Tsino ng mga giant clams sa Panatag Shoal. Gayunman, inamin ni Sta. Romana na sa ngayon  ay wala pang nabubuong matibay na kasunduan ang Pilipinas at China upang maresolba ang problemang ito subalit sinabi nitong ang mahalaga ay sumang-ayon ang magkabilang panig na idaan sa isang diplomatikong negosasyon upang maiwasang mauwi  sa krisis ang masalimuot…

Read More

PAGLISAN NG CHINESE VESSELS INAASAHAN NG PALASYO

chinese vessels12

(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na magiging positibo ang China sa panawagan  ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ng mga Chinese vessels ang Pagasa Island at iba pang isla na sakop ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw ang posisyon ng Pangulo nang sabihin nito handa siyang makipag kaibigan sa China pero hindi dapat galawin ng mga Chinese ang Pagasa Island at iba pang teritoryo ng bansa. Binigyan-diin pa ng Pangulo, ayon kay Panelo, na kung magpapatuloy pa ang aktibidad ng China ay nakahanda ang mga sundalo…

Read More

PAGTABOY NG CHINESE VESSELS SA PINOY FISHERMEN AALAMIN NI ZHAO

ZHAO12

SINABI ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na patuloy nilang bineberipika ang insidente ng harassment ng Chinese nationals laban sa mga Pinoy na mangingisda malapit sa Pagasa Island sa South China Sea. Inaalam din ni Zhao kung lehitimo ang report o hindi. Nauna nang sinabi ni Kalayaan, Palawan Mayor Roberto del Mundo na itinaboy ng Chinese vessels ang umano’y mga mangingisda sa kalapit na sandbar malapit sa Pagasa island na pag-aari ng Pilipinas. Gayunman, sinabi ni ng Department of National Defense na walang pormal na iniakyat na reklamo sa kanilang tanggapan…

Read More