(NI KEVIN COLLANTES) PORMAL nang sinimulan nitong Lunes ng fact-finding committee na binuo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang imbestigasyon hinggil sa insidente ng banggaan ng dalawang tren ng LRT-2, nitong Sabado ng gabi, na nagresulta sa pagkasugat ng 34 na katao. Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, kabilang sa aalamin ng Komite ay kung paanong nag-disengage ang preno ng ‘dead train’. Tutukuyin din aniya ang bilis ng tren nang maganap ang banggaan, gayundin ang ‘incline’ o pagkakahilig ng riles sa lugar. Sinabi ni Cabrera na inaasahan nilang magtatagal…
Read More