(NI HARVEY PEREZ) MULING pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa natapos na mid-term election na magsumite na ng kanilang statements of contributions and expenses (SOCE) hanggang sa Hunyo 13. Ayon sa Comelec, kahit na ang mga natalong kandidato ay dapat na magsumite ng kanilang SOCE. Gayundin, ang lahat ng mga nanalong kandidato, partido na mapatutunayang hindi magsusumite ng kanilang SOCE ay mahaharap sa kasong administratibo. Sa ilalim ng batas, lahat ng mga kandidato at electoral parties ay dapat magsumite ng SOCE sa loob ng 30…
Read MoreTag: COMELEC
OVERSEAS VOTERS MATAAS ANG TURNOUT — COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) MAS mataas ngayon natapos na midterm election ang voters turnout ng Overseas Voters. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Office for Overseas Voting (OFOV) Director Elaiza David na nasa 334,242 ang bumoto para sa overseas voting o 18.34 percent ang voter turnout. Ito umano ay mas mataas sa 15.63 percent noong 2013 midterm elections kung saan nalaman na ang kabuuang bilang ng registered overseas absentee voters para sa May 13 elections ay 1,822,173. Magugunita na sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na kumpiyansa silang magiging mas mataas nang kaunti…
Read MoreBGY, SK ELECTIONS SA 2020 PINAGHAHANDAAN NA
(NI HARVEY PEREZ) HINDI pa man tuluyang napapawi sa imahinasyon ng sambayanang Filipino ang katatapos na May 13 midterm elections, pinaghahandaan na ng Commission on Elections(Comelec), Ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 2020. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pinagpa planuhan na ng Comelec ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 2020,alinsunod sa ilalim ng Republic Act 10952. “This means that (after the midterm elections), our jobs continue,” ayon kay Jimenez. Nabatid na ipinostpone ng Kongreso ang Oktubre 23, 2017 barangay and SK elections sa ikalawang…
Read MoreBILANG NG ELECTORAL PROTEST TUMATAAS
(NI HARVEY PEREZ) PATULOY na tumataas ang bilang ng mga kandidato na naghahain ng electoral protest sa Commission on Elections (Comelec),kaugnay sa natapos na mid -term elections noong Mayo 13. Ayon kay Comelec spokesperspn James Jimenez, may limang electoral protest na ang nakahain ngayon sa ahensiya. Ang protesta umano ay isinampa ng mga kandidatong natalo sa Taguig, San Juan, Leyte, Kalinga at sa Negros pero hindi tinukoy ni Jimenez ang pagkakakilanlan ng mga ito. Sinabi ni Jimenez na posibleng tumaas pa ang naturang bilang dahil hanggang nitong Biyernes ay may…
Read More45 PARTY-LIST TIYAK NA ANG UPUAN SA KAMARA
(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK nitong Miyerkoles ng Commission on Elections (Comelec) na 45 party-list groups ang tiyak nang makakukuha ng puwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sa isang pulong balitaan ng alas 4:00 ng hapon, o may tatlong oras bago ang proklamasyon, kabilang umano sa partylist group na ipoproklama ang ACT-CIS, Bayan Muna, Ako Bikol, Cibac, Ang Probinsiyano, 1Pacman, Marino, Probinsiyano Ako, Senior Citizens, Magsasaka, APEC, Gabriela, An Waray, Coop-Natcco, Philreca, ACT Teachers, Ako Bisaya, Tingog Sinirangan, Abono, Buhay, Duterte Youth, Kalinga, PBA, Alona,…
Read MorePROKLAMASYON NG MGA SENADOR BITIN NA NAMAN
(NI HARVEY PEREZ) MULING ipinagpaliban nitong Martes ng Commission on Elections (Comelec),ang proklamasyon para sa mga nanalong senators at party-list groups dahil sa hindi pa naka-canvass na Certificate of Canvass (COC) mula sa Washington DC ,United States. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, sa ginanap na pulong balitaan na ginanap sa canvassing center sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, muli nilang iaanunsiyo kung kailan idaraos ang proklamasyon. Malaki ang posibilidad na maisagawa ito ngayong araw ng Miyerkoles o bukas ng Huwebes. “We will announce when, but not today,”…
Read MoreANAKPAWIS PARTY-LIST NAGLABAS NG EBIDENSIYA NG DAYAAN
(NI BERNARD TAGUINOD) NAGLABAS ng ebidensya ang Anakpawis party-list group na nagpapatunay na binawasan ang kanilang boto kaya hindi nakapasok sa winning circle. Dahil dito, umapela si Rep. Ariel Casilao, kinatawan ng nasabing grupo ngayong 17th Congress sa ibang natalong party-list group na magprotesta dahil maaaring binawasan din ang boto noong nakaraang eleksyon. Ayon sa mambabatas, sa 34 presinto pa lamang o 21 sa Manila at 13 sa Quezon City, ay nawalan na umano ang kanilang grupo ng 717 boto matapos ikumpara ang nakuhang boto ng mga ito sa website ng…
Read MoreCOMELEC ‘DI PA HANDA SA PROKLAMASYON NG MGA SENADOR
(NI HARVEY PEREZ) HINDI pa muna magpo-proklama ngayon araw(Linggo) ng mga nanalong kandidato sa pagka-senador ang Commission on Elections (Comelec). Ito ang nilinaw ni Dir. Frances Arabe, ng Comelec-Education and Information Division (EID), sa isang press briefing dakong 6 ng gabi nitong Sabado sa kanilang canvassing center sa Philippine International Convention Center (PICC). Matatandaan na napaulat na ilang kandidato ang matatag na sa pwesto ang maaaring iproklama ganap na alas-4:00 ng hapon. Sinabi ni Arabe na hindi pa sila handa para magproklama ng mga kandidato dahil kailangan muna nilang matapos ang…
Read MoreMAGIC 12 POSIBLENG MAIPROKLAMA SA LINGGO
(NI HARVEY PEREZ) MALAKI ang posibilidad na mai-proklama na ngayon araw (Linggo) ng Commission on Elections (Comelec), ang 12 nanalong senador sa natapos na mid-term electons nitong Mayo 13. Ito ay dahil sa nasa 98.08% na ang pumasok na election returns sa Comelec transparency server, dakong alas 9:08 ng umaga ng Sabado. Gayundin, nasa 87.43% na o 146 ng 167 Certificate of Canvas ang nabilang na ng Comelec official tally mula noong alas 7:20 ng gabi ng Biyernes. Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na tentative alas- 4:00…
Read More