2 BILLIONAIRE SOLON; PINAKAMAHIRAP SA P85,400 ASSETS

RICHEST12

(NI ABBY MENDOZA) NANANATILING nasa number 1 spot si 1Pacman Partylist Rep. Michael Romero bilang pinakamayaman na kongresista ng House of Representatives na may P7 bilyon na assets habang ikalawa naman si outgoing Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez. Sa Summary of Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng mga mambabatas na ipinalabas ng Kamara, si Romero na anak ni construction magnate Reghis Romero ay may P7.858 billion assets, mas mataas ito sa kanyang naging yaman noong 2017 na nasa P7.291 billion. Pangunahing negosyo ni Romero ay pag-ooperate ng…

Read More

PHILHEALTH HAHAWAK SA UHC LAW: DELIKADO!

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa panibagong anomalya sa Philhealth nang bayaran nito ang “ghost dialysis” ng isang dialysis center sa Quezon City, lalong delikado umano ang kontribusyon ng mga miyembro nito dahil sa Universal Health Care (UHC) Law. Sa panayam kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, sinabi nito na hindi sila bumoto sa UHC law sa Kongreso dahil ang Philhealth ang magiging lead agency sa pagpapatupad ng nasabing batas. “With past and present corruption controversies, ano ang credibility ng Philhealth (na manguna sa pagpapatupad ng UHC law) ,” tanong ni Casilao…

Read More

MASTERPLAN SA SAPAT NA TUBIG KINATIGAN SA KAMARA

water supply12

(NI ABBY MENDOZA) KINATIGAN ng House of Representatives ang resolusyong inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para magtatag ang  Metropolitan Waterworks and Sewerage System at iba pang ahensya ng masterplan para mapanatili ang sapat na suplay ng tubig. Sa adopted House Resolution 2593, ipatutupad ang masterplan para sa mga tahanan, commercial establishments at industrial use sa Metro Manila na maaaring gayahin sa ibang bahagi ng bansa. Layon ng nasabing hakbang na masiguro na agad matutugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig at paraan din para labanan ang negatibong epekto ng…

Read More

TOTAL BAN VS IMPORTED WASTE KINATIGAN

basura12

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na isyu at pagkalusot sa mga imported waste na pumapasok sa bansa, suportado ngayon ng grupong EcoWaste Coalition ang inihain na House Bill 9207 ni Misamis Oriental Reply.  Juliette Uy na naglalayon sa total ban vs imported waste. Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, malaki ang maitutulong ng nasabing House Bill kung ito ay maipasa sa Mababang Kapulungan laban sa mga mapang-abusong dayuhan na ginawang dump site ang bansa. Dagdag pa nito na hinihintay na lang nila ang desisyon ng hukuman laban…

Read More

MATAAS NA YOSI TAX, APRUB NA SA SENADO

sin tax law12

(NI DAHLIA S. ANIN) SA boto na 20-0, aprubado na sa Senado sa ikatlong pagkakataon at huling pagbasa ang batas na nagdadag ng buwis sa sigarilyo. Ang Senate Bill 2233 ay nagmumungkahi ng dagdag na P45.00-P60.00 sa bawat kaha ng sigarilyo sa susunod na taon hanggang sa 2023 at magdaragdag ng 5% kada taon na magiging epektibo na sa Enero 24, 2024. Ang mga sumusunod na iskedyul ay P45.00 taas ng presyo kada kahon mula Enero 1, 2020 hanggang Disyembre 30, 2020. Magdaragdag naman ng P50.00 sa Enero 2021, P55…

Read More

FAILURE OF ELECTION SA PARTYLIST PINANINDIGAN

COMELEC12

(NI ABBY MENDOZA) NANINDIGAN ang ilang mambabatas na nagkaroon ng failure of elections sa katatapos na 2019 midterm polls, partikular sa party-list groups, kung saan tinukoy nito ang ginawang pagpapaikli ng Commission on Elections (Comelec) sa balota. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa audit observations sa suppliers at contractors ng automated polls, iprinisinta ng Comelec ang archive o kopya ng ginamit na balota noong 2010, 2013, 2016 at 2019 elections kung saan nadiskubre na ngayong 2019 election lamang inilagay sa likod ng mga balota…

Read More

GLORIA, 73 IBA PA, GRADUATE NA SA KAMARA

gma

(NI BERNARD TAGUINOD) GA-GRADUWEYT na bilang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongeso ang may 73 congressmen/woman sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Sa huling araw ng session ng 17th Congress ngayong Martes, Hunyo 04, pangungunahan ni Arroyo ang mga kapwa niya third termer congresswoman, congressmen na nakatapos ng tatlong termino. Magkakaroon ng seremonya sa plenaryo ng Kamara para pagkilala sa mga graduating member ng Kapulungan na nakatapos ng tuluy-tuloy na tatlong termino. Ang mga kongresista ay binigyan lamang ng tatlong termino o maaaring tumakbo ng tatlong beses sa…

Read More

PENSIYON TUWING 6-BUWAN SA SENIOR CITIZEN PINALAGAN

senior16

(NI BERNARD TAGUINOD) PINALAGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuwing ika-6 na buwan ibibigay ang pensiyon ng mga senior citizen. Ayon kay Senior Citizen party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysasy, kailangan ng mga senior citizen ang pera para sa kanilang personal na pangangailangan kaya hindi dapat iniipon bago ibigay ng kada ika-6 buwan. “Malaking tulong po ang buwanang pensiyon na 500 pesos sa ating pinakamahihirap na nakatatanda na walang tinatamasang anumang ayuda mula sa kanilang mga pamilya,” ani Magsaysay. Ginawa ng…

Read More

SESYON NG KAMARA BALIK NA SA LUNES

congress12

(NI ABBY MENDOZA) NAGHAHANDA na ang mga kongresista sa muling pagbabalik ng sesyon sa Lunes, Mayo 20. Magtatagal pa ang 17th Congress ng mula Mayo 20 hanggang sa sine die adjournment sa Hunyo 7. Muli itong magbe-break mula  Hunyo 8 hanggang Hulyo 21 at sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo 22 ay magbubukas na ang First Session ng 18th Congress o ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Assistant Majority Leader Bernadette Herrera-Dy , inihahanda na nila sa mayorya ang mga panukala…

Read More