P5 ATM FEES BAWAT TRANSAKSIYON ISINUSULONG

atm55

(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kontrolin na ng estado ang Automated Teller Machines (ATM) charges upang maproteksyunan ang interes ng mamamayan. Sa House Bill (HB) 4019 na iniakda nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, nais ng mga ito na ipako sa P5 ang ATM fees, taliwas sa kasalukuyang P10 hanggang P15 ang kinakaltas ng mga ito ATM cardholders kapag nagwi-withdraw ang mga ito. Gayunpaman, tanging sa mga interbank transaction  ipatutupad ang P5 ATM fees o kapag sa…

Read More

P200-K SUWELDO NG MGA CHINESE POGO WORKERS

pogo44

(NI BERNARD TAGUINOD) SUMASAHOD ng hanggang P200,000 kada buwan ang mga Chinese nationals na nagttrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa. Ito ang nabatid sa House Resolution (HR) 221 na iniakda ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para hilingin sa mga kaukulang komite na mag-imbestiga at alamin ang epekto ng sugalang ito, hindi lamang sa mga Filipino kundi sa ekonomiya at seguridad ng bansa. Ayon sa mga militanteng mambabatas, mismong sa Beijing umano lumabas ang balita na ang mga Chinese nationals na dinadala ng mga…

Read More

ANOMALYA SA PHILHEALTH LALALA SA UHC 

philhealth12

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG wasakin ang sindikato sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay mas lalala pa ang katiwalian dito dahil sa Universal Health Care (UHC) law. Ito ang iginiit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kasunod sa tinatayang P153.7 billlion na overpayment ng Philhealth sa mga nakaraang taon kung saan ay pangunahing biktima aniya ay ang mga mahihirap na pasyente. Ayon kay Defensor mahigit P250 billion ang pondo ng UHC na iimplementa ng Philhealth at mahigit doble umano ito sa hawak na pondo…

Read More

KITA NG MGA BANGKO SA ATM FEES SAAN NAPUPUNTA?

atm55

(NI BERNARD TAGUINOD) AALAMIN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan napupunta ang Automated Teller Machines (ATM) fees na kinokolekta ng mga bangko sa kanilang mga depositor. Ginawa ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng mga pangambang dodoblehin ng mga bangko ang kanilang ATM fees matapos tanggalin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang moratorium sa ATM charges makalipas ang 6 taon. Dahil dito, inatasan ng mambabatas ang House committee on banks and financial intermediaries upang malaman kung saan dinadala ng mga bangko ang kanilang nakokolektang ATM fees.…

Read More

ALCOHOL TAX BILL APRUB NA

(NI BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN sa isang upuan lang ng House committee on ways and means ang panukalang batas na magtataas ng buwis ng alak at lahat ng mga  inuming nakalalasing. Sa botong 43 pabor at walang tumutol, inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang batas ng lahat ng uri ng alak kung saan balak itong ipatupad sa 2020. Gamit ang Rule X, Section 48 ng House Rules, hindi na pinatagal ng komite ang pagdinig dahil ang nasabing panukala ay una nang pinagtibay noong 17th Congress subalit hindi…

Read More

PHILHEALTH ANOMALY ‘DI PALULUSUTIN SA KAMARA 

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na palagpasin ang umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)  dahil kung hindi ay madidiskaril umano ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) law. Sa House Resolution (HR) 126 na iniakda ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., kailangang mag-imbestiga ang Kongreso sa mga nabunyag na anomalya sa Philhealth dahil walang ibang nabibiktima dito kundi ang mga mahihirap na may sakit. Muling uminit ang isyu ng anomalya Philhealth matapos mabunyag na nagbabayad umano ang mga…

Read More

TRAPIK SA EDSA LULUTASIN SA LOOB NG 1 TAON – SOLON

edsatraffic55

(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maresolba ang tumitinding problema ng trapiko sa Edsa kaya gagawa ang mga ito ng batas para pag-isahin na lamang ang 200 prangkisa ng mga pampasaherong bus na namamasada sa nasabing highway. Ito nabatid kay House transportation committee chairman Edgar Sarmiento ng Samar, matapos aniyang atasan ni House Speaker Allan Peter Cayetano ang komite na gumawa ng batas na reresolba sa nasabing problema sa loob ng isang taon. “Speaker Cayetano wants our traffic problem in EDSA to be solved…

Read More

NUP TIKLOP SA PDP-LABAN, PREXY BET SA 2022 MALABO

pdp55

(NI ABBY MENDOZA) HINDI nakikipagkumpetensya ang National Unity Party (NUP) sa ruling party na PDP-LAban sa kabila ng paglipat ng 12 miyembro nito. Ito ang paglilinaw ni NUP President Elpidio Barzaga matapos na rin mag-over da bakod sa kanilang partido ang ilang PDP laban members. Giit ni Barzaga wala silang interes sa ngayon para maglagay ng kandidato para 2022 presidential elections sa kabila ng pagdami ng kanilang mga miyembro. “Kahit mayroon naman kaming mga  posibleng kandidato para sa 2022  mas gusto pa rin namin na manatili kaming maliit pero solidong …

Read More

TULAY SA ILOILO STRAIT IMINUNGKAHI SA KAMARA

iloilo44

(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI  ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatayo ng tulay na magdurugtong sa Iloilo at Guimaras upang maiwasan na ang disgrasya sa karagatan tulad ng nangyari sa tatlong pampasaherong bangka na ikinamatay ng 31 pasahero kamakailan. Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, sinabi nito na kanyang imumungkahi sa Department of Transporation (DOTr) na pag-aralan ang pagpapatayo ng tulay na magdurugtong sa nasabing isla upang hindi mahirapan ang mamamayan sa pagbiyahe. “Sabi ko nga, ipo-propose ko na lagyan na lang ng tulay ang lugar na…

Read More