PHILHEALTH ANOMALY ‘DI PALULUSUTIN SA KAMARA 

(NI BERNARD TAGUINOD)

WALANG plano ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na palagpasin ang umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)  dahil kung hindi ay madidiskaril umano ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) law.

Sa House Resolution (HR) 126 na iniakda ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., kailangang mag-imbestiga ang Kongreso sa mga nabunyag na anomalya sa Philhealth dahil walang ibang nabibiktima dito kundi ang mga mahihirap na may sakit.

Muling uminit ang isyu ng anomalya Philhealth matapos mabunyag na nagbabayad umano ang mga ito sa WellMed para sa claims ng mga dialysis patient kahit patay na ang mga pasyente.

“Whereas, other dialysis treatment clinics, apart from WellMed, as said to be involved in the scam, possibly involving Philhealth officials and employees, and has cost Philhealth over P154 billion in bogus claims,” ayon sa resolusyon ni Villafuerte.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na kailangan alamin kung paano talaga ginagamit ng mga opisyales ng Philhealth ang kanilang pondo lalo na’t ipapaairal na ang Republic Act (RA) No.11223 o Universal Health Care Law.

Sa ilalim aniya ng batas na ito, mas lalong darami ang mga dapat tulungan na may sakit gamit ang pondo ng Philhealth kaya mahalagang mabantayan ang pondo ng korporasyon.

“Whereas, the allegations point to a misuse funds from the Philhealth and could hinder the provision of a better health care for all Filipinos. Especially with the implementation of the UHC materializing, “ ani Villafuerte.

Maging sa hiwalay na HR No. 23 na iniakda Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ay nagbabala na magdurusa ang sambayanang Filipino lalo na ang mga mahihirap kapag hindi natigil ang katiwalian sa Philhealth.

“(If) left unabated, the Filipinos will suffer,” ani Teves kaya nais niyang gamitin na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso o ang Kamara at Senado ang kanilang oversight power para imbestigahan ang anomalyang ito sa Philhealth.

 

164

Related posts

Leave a Comment