GRUPO NG MGA GURO DISMAYADO SA DEPED

(NI BERNARD TAGUINOD) MISTULANG lalong sumama ang loob ng mga guro sa Department of Education (DepEd) dahil bukod sa habang nagkukuripot ang ahensya sa hinihingi nilang dagdag sahod ay nabukong nagsasayang ang mga ito ng pondo. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara, habang sinasabi ng DepEd na walang pera para sa dagdag na pondo ay nabuko ang bilyung-bilyong piso na ayaw gastusin at nasasayang pera ng bayan. Ginawa ng grupo ni Castro ang pahayag matapos lumabas sa report ng Commission on Audit…

Read More

PAGLOBO NG 2020 BUDGET PARA SA DU30 PROJECTS –SOLON

congress duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD) MALAKI ang kinalaman ng Build-Build-Build program ng Duterte administration sa paglobo ng 2020 national budget na nakatakdang ibigay ng Malacanang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na mga araw. Ito ang nabatid kay House deputy speaker Johnny Pimentel kung saan ginarantiya ang mabilis na pagpapatibay sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.2 trillion. Mas mataas ito ng mahigit kumulang sa P500 Billion kumpara sa P3.757 Trillion na pondo ng national government ngayong 2019. “Yes, the significant increase is warranted considering that the administration will continue…

Read More

MULTA SA MWSS DAPAT IBIGAY SA CONSUMERS — SOLONS

mwss55

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong dapat makinabang sa P1.8 bilyon na  ipinataw  ng Korte Suprema na multa sa mga water concessionaires dahil sa hindi pagsunod sa Clean Water Act, ay ang mga consumers. Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil galing sa mga consumers ang kanilang gastos sa pagpapatayo ng sewerage system na hindi nila ginawa kaya pinagmulta ng Korte Suprema. “The P1.843 billion fine should also go to consumers because it is them who are shouldering the expenses of the water concessionaires thru the sewerage and…

Read More

ADMIN PARTY NILAYASAN NG 14 CONGRESSMEN

pdp55

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGLALAYASAN na ang mga miyembro ng PDP-Laban sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pinamumunuan ni Secretary General ng partido at dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez. Ito ang nabatid matapos ilantad ng National Unity Party (NUP) ang mga bago nilang miyembro kung saan 14 dito  ay mula sa PDP-Laban na naging behikulo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election. Kabilang sa mga dating PDP-Laban Congressmen na lumipat sa NUP ay sina Cavite Rep. Alex Advincula, Isabela Rep. Tonypet Albano, Palawan Rep. Franz Chicoy Alvarez, Quezon City Rep.…

Read More

CHA CHA ‘DI PRAYORIDAD NG KAMARA

charterchange12

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T hindi direktang sarado ang kanilang pintuan sa Charter Change (Cha Cha), hindi umano prayoridad ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na amyendahan ang 1987 Constitution. Sa press conference nitong Martes, sinabi ni House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez, na hindi umano top priority ang Cha Cha dahil hindi pa umano nila nakakausap ang kanilang counterpart o ang mga senador. “As I said, we have not touch based with our fellow stakeholders, our senators,  so may be a priority but not a top priority at this…

Read More

2020 PROPOSED BUDGET HINIHINTAY NA SA KAMARA

budget55

(NI ABBY MENDOZA) HINIHINTAY na lamang ng Kamara na isumite sa kanila ng Malacanang  ang P4.1T panukala sa 2020  budget. Ayon kay House Speaker Alan Cayetano, nabuo na ng Malacanang ang  2020 proposed budget o National Expenditure Program kaya sa oras na maisumite na ito sa Kamara ay kanila nang pag-uusapan ni  House Committee on Appropriations Chair Isidro Ungab ang iskedyul ng gagawing budget hearing. Plano ni Cayetano na i-extend ang pagdinig sa 2020 proposed national budget ng hanggang Huwebes at Biyernes para mapabilis ang deliberasyon sa pinaplano na rin aniya…

Read More

PRESYO NG BILIHIN ‘DI BUMABA SA 2.4% INFLATION RATE

market23

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  bumaba na sa 2.4% ang inflation rate noong Hulyo, nananatili pa rin ang presyo ng mga bilihin na naitala noong Setyembre 2018 kung saan naitala ang pinakamataas na inflation o paggalaw ng presyo na isinisisi sa Tax Refrain Acceleration (TRAIN) law. Ito ang pahayag ni TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza matapos maitala ang pinakamababang inflation rate noong Hulyo simula noong ipatupad ang TRAIN law noong Enero 2018. “The inflation rate has been brought down to 2.4, but the prices of basic goods and commodities have…

Read More

MANDATORY ROTC ITUTULAK MULI SA KAMARA

rotc

(NI ABBY MENDOZA) MULING binuhay sa House of Representatives ang panukalang gawing mandatory ang Reserve Officers Training Course(ROTC) sa mga estudyante sa Senior High School sa pribado at pampublikomg paaralan. Inihain  ni Batangas Rep. Raneo Abu ang House Bill 2087 na sa  oras na maisabatas ay aamyendahan sa Republic Act No. 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act. Ayon kay Abu mahalagang maisabatas ang mandatory ROTC para maituro sa mga kabataan ang  kahalagahan na maging disiplinado at makabayan, gayundin ay maisailalim sa training para pagkakaroon ng…

Read More

SEGURIDAD SA ‘PHILHEALTH SCAM PROBE’ PINAHIHIGPITAN 

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) na bigyan ng seguridad ang mga mag-iimbestiga sa Philhealth scam dahil masyadong mapanganib umano ang sindikato sa insurance fund na ito. Sa press conference nitong Miyerkoles, sinabi ni Magsasaka party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat na minsan nang nanganib ang kanyang buhay dahil aniya sa katiwalian sa Philhealth. Si Cabatbat ay inambus sa Edsa noong Pebrero 2017 subalit nakaligtas nang sagasaan nito…

Read More