(NI ABBY MENDOZA) KASABAY ng pagbubukas ng unang sesyon ng 18th Congress ay iaanunsyo ng bagong House Leadership, sa pamumuno ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, ang mga mamumuno sa mga komite, kabilang na rito ang makapangyarihang Committee on Accounts, Committee on Appropriations at mga Deputy Speakers. Kinumpirma ni Cayetano na ngayong Linggo ay magkakaroon sila ng pagpupulong kung saan pag-uusapan kung sino ang maitatalagang chair sa mga komite at sa Lunes ay kanila na itong isasapubliko. Ipinaliwanag ni Cayetano na kailangang madaliin ang pag-organisa sa committee chairmanships dahil sa…
Read MoreTag: Congress
NO FLY ZONE SA SONA
(NI DAVE MEDINA) DEKLARADONG no fly zone ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ibabaw at paligid ng House of Representatives (HREP) sa Batasan Complex at mga kalapit na lugar upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa pagbubukas ng 18th Congress at ang 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga araw ng July 20 hanggang 23, 2019. Mula alas- 9:00 ng umaga ng July 20 hanggang alas-11:00 ng umaga ng July 21, ang mga drones at ibang uri ng aircraft ay limitado ang…
Read MoreCAYETANO, REP. DUTERTE, NAGKAAYOS NA
(NI ABBY MENDOZA) NATULDUKAN na ang hindi pagkakasundo sa pagitan nina Davao City Rep. Paolo Duterte at incoming House Speaker Alan Peter Cayetano matapos makapag-usap nang personal ang dalawa at tanggapin ng batang Duterte ang posisyon bilang Deputy Speaker for Political Affairs sa 18th Congress. Inianunsyo mismo ni Cayetano sa kanyang facebook post ang pagkikita nila ni Duterte kung saan nakapagusap sila at nagkaayos. Nagpapasalamat si Cayetano sa presidential son dahil nakapag-usap sila ng personal para talakayin ang mga kinakailangan ng bansa gayundin ang pagkakaroon ng isang “responsive” na Kongreso.…
Read MoreTIKAS NG LIDERATO NI CAYETANO SUSUBUKAN SA HATIAN NG POSISYON
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKASALALAY sa hatian ng puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang katatagan ng liderato ni “presumptive Speaker” Allan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros. Ginawa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag dahil matapos mangialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa Speakership ay ang mga matataas na posisyon naman ngayon ang pinag-aagawan. “Current grumblings in the House are the usual infighting for choice positions of Deputy Speakers, Committee Chairmen, Vice Chairmen, and ranking members, among fellow partisans which would test the mettle and fortitude of a leader,” ani Lagman. Dahil…
Read MoreBRGY HEALTH WORKERS ‘NAAAPI’ NG BRGY OFFICIALS
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T umiiral na ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga Barangay Health Workers (BHW), sinisibak pa rin ang mga ito ng mga barangay at mga local government unit (LGUs) anumang oras. Ito ang isiniwalat ni BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co matapos makatanggap ng reklamo umano sa mga BHWs na pinagtatanggal umano ng kanilang mga barangay at LGU officials na walang kadahi-dahilan. “It is very unfortunate and appalling to hear that our barangay health workers and barangay health services are politicized rather than institutionalized,” pahayag ng lady…
Read MoreBILL SA KAMARA: P80-K SA MGA EDAD 80
(NI BERNARD TAGUINOD) SAKALING maipasa ngayon ng Kongreso, magkakaroon na ng P80,000 cash gift ang mga Filipino na aabot sa edad 80 anyos. Sa ilalim ng House Bill 907 na inakda ni Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, nais nito na huwag nang hintayin na umabot sa edad 100 bago magkaroon ang mga ito ng cash gift. “Our intention in filing HB No. 907 is to make the cash gift more accessible to more Filipinos and enable them to enjoy it during the twilight years of their lives where medicines…
Read MorePAGGAMIT SA BANGKETA KOKONTROLIN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAWA na ng batas ang Kongreso para iregulate o kontrolin na ng national government ang paggamit sa mga bangketa at kalsada, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa mga urban areas sa buong bansa. Sa ilalim ng House Bill 504 na iniakda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tinawag niyang “Sidewalks and Public Roads Use Act”, sinabi nito na panahon na para kontrolin ang paggamit sa mga bangketa at kalsada para sa kapakanan ng dumadaan. Maliban dito, layon din ng nasabing panukala na tuluyang maayos…
Read MoreMAY NAPILI NA NGUNIT.. AGAWAN SA SPEAKERSHIP ‘DI PA TAPOS
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa umano tapos ang agawan sa House speakership, ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate. Sinabi ni Zarate na ang minority leadership na target ni Capiz Rep. Fred Castro ng National Unity Party (NUP), ay posibleng indikasyon na hindi pa tapos ang agawan ng mga kaalyado ni Duterte sa Speakership kahit nagpasya na ito na sina Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, ang maghahati ng termino sa 18th Congress. “Ang pag-float ng minority leader issue ngayon ay mukhang smokescreen lang para…
Read MorePAGBABAGO NG KONSTITUSYON MALAKING HAMON
(NI NOEL ABUEL) MALAKING hamon para sa Senado at Kamara kung maipapasa ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang Konstitusyon. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napagdedesisyunan kung Constitutional Assembly (ConAss) o Constitutional Convention (ConCon) ang gagamitin para sa Charter Change. “Walang napalitan sa situation dahil unang-una, hindi papayag ang Senate na mag-constitute kami into a Constituent Assembly hanggang hindi malinaw. Ang tanong, sino maglilinaw? Kung papasok kami sa isang kasunduan sa kanila by way of say a joint resolution magkakaroon ng course…
Read More