PROBLEMA NG TNVS SA LTFRB BUBUSISIIN

grab32

(NI BERNARD TAGUINOD) MAKIKIALAM na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa problema ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naging dahilan ng kanilang strike noong Lunes. Sa House Resolution (HR) No. 43 ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Kamara, inaatasan ng mga ito ang House committee on transportation na busisiin ang problema ng TNVS sa LTFRB partikular na ang pahirapang pagpapareshistro ng mga ito. Ayon sa nasabing grupo ng mga mambabatas, kailangang makialam na ang mga mambabatas sa problema ng…

Read More

GLUTA NA HINDI APRUB SA FDA IKINABAHALA NG SOLON

fda45

(NI BERNARD TAGUINOD) NABABAHALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos mapaulat na may mga gluta o pampapaputi ang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA). “Many gluta products not approved by FDA?,” manghang pahayag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas matapos kumpirmahin ng FDA na may mga nag-aalok umano ng injectable glutathione at Vitamin C product na hindi nila aprubado. Dahil dito, hiniling ni Vargas sa FDA, kasama na ang ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan upang masupil ang mga ganitong uri ng mga produkto na…

Read More

INFLATION RATE KAHIT BUMABA, ‘DI FEEL NG PINOY

inflation12

(NI ABBY MENDOZA) PARA sa Makabayan Bloc, hindi makatotohanan ang pagbaba ng inflation rate sa 2.7% ngayong Hunyo mula sa 3.2% noong Mayo. Ayon kay Bayan Muna Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite, bagama’t ipinagmamalaki na bumaba ang inflation ay  hindi naman ito nararamdaman ng mga Filipino, anila, inflation lang ang bumaba ngunit hindi ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Sa halip pa nga na bumaba ay nagtataasan pa ang presyo ng gatas, kape, karne, gulay at iba pang pangangailangan gayundin ang presyo ng petrolyo. Iginiit ng mga…

Read More

HILING NG SOLON: DU30 MAKIALAM NA SA SPEAKERSHIP

duterte33

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong magkaroon ng maya’t mayang kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa dami ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging speaker ng Kamara. Ito ang dahilan kaya naniniwala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na mag-eendorso si Duterte ng kanyang kandidato para matapos na ang banggaan ng kanyang mga mismong kaalyado sa nasabing posisyon. Sa press conference ng Makabayan bloc nitong Martes, sinabi ni Zarate na kung hindi makikiaalam si Duterte sa pagpili ng speaker ay hindi makasisiguro ang sinumang mananalong speaker…

Read More

REP. DUTERTE SASALI NA SA SPEAKERSHIP RACE

polo21

(NI ABBY MENDOZA) NAGKAKAWATAK-WATAK na umano ang  mga miyembro ng Mababang Kapulungan dahilan para ikonsidera na rin ni Rep. Paolo Duterte na makisawsaw na sa speakership race sa layuning mapag-isa niyang muli ang mga ito. Kasabay nito, nais ng batang Duterte na magkaroon ng hindi lamang iisang House speaker, kundi House speaker para sa Luzon, Visayas, Mindanao at Partyist Groups. Sa isang statement, sinabi ng batang Duterte na hindi isyu kung sino ang speaker at hindi ito para sa dalawang tao lamang kundi para sa buong bansa, nais ni Duterte…

Read More

10 PRIORITY BILLS INIHAIN SA PAGBUBUKAS NG SENADO

(NI NOEL ABUEL) AABOT sa 10 priorty measures ang agad na inihain sa Senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Pinangunahan ni opposition leader Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang paghahain ng panukala partikular ang pagpapabuti sa agrikultura, environment, at civil service. Kasama rin dito ang matagal nang nabimbin na Coconut Farmers and Industry Development Act o ang Coco Levy Act gayundin ang panukala sa post-harvest facilities, organic farming, at expanded crop insurance; National Land Use Act of 2019. Gayundin ang pagtatayo ng Department of Fisheries and Aquatic Resources at ang Department…

Read More

IMPEACH DUTERTE? DEPENDE SA MINORYA SA 18TH CONGRESS

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKADEPENDE kung sino ang magiging minority leader at kung gaano karami ang oposisyon sa 18th Congress ang kahihinatnan ng impeachment case na maaaring isampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin sa West Philippine Sea. Ito ang nabatid kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin dahil sa pahayag ni Duterte na pinapayagan nito ang mga Chinese na mangisda sa  loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas na isa aniyang paglabag sa Saligang Batas o culpable violation of the constitution. Inayunan din ni Magdalo Rep. Gary Alejano na  lalabagin ni Duterte…

Read More

MANDATORY MEMBERSHIP NG OFWs SA SSS IIMBESTIGAHAN

sss ofws12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGHAHAIN ng resolusyon ang militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang imbestigahan ang mandatory membership ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Social Security System (SSS). Ito ang nabatid kay Bayan Muna Congressman-elect Ferdinand Gaite matapos tutulan umano ng mga OFWs ang mandatory membership ng mga ito sa SSS gayong dapat aniya boluntaryo lamang ito. “Many OFWs believe that their mandatory SSS membership is just another form of state exaction to steal away their hard-earned money in exchange for promised benefits that may not be immediately…

Read More

HALOS KALAHATI SA UUPO SA 18TH CONGRESS, FIRST-TIMERS 

congress12

(NI ABBY MENDOZA) MGA first-time congressman ang halos kalahating uupo na mambabatas sa papasok na 18th Congress, ayon sa House of Representatives. Ayon kay House Secretary General Roberto Maling nasa pagitan ng 135 hanggang 145 ang neophyte congressmen. Ipinaliwanag ni Maling na hindi pa nila maibigay ang eksaktong bilang dahil may mga election protest pa na nakabimbin sa Commission on Elections (Comelec) partikular sa partylist representatives. Sa kabuuan ay inaasahan na 304 hanggang 306 ang bubuo sa 18th Congress. Samantala, sinimulan na rin nitong Lunes sa Kamara ang pagbibigay ng…

Read More