DEPT. OF DISASTER NAPAPANAHON NANG ITATAG

lindol12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na kailangang dumaan sa masusing pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatibay sa panukala na magkaroon ng Department of Disaster Resilience sa gitna ng sunod-sunod na paglindol. Ginawa ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang nasabing pahayag matapos yanigin ng 6.6 magnitude na lindol ang Tulunan, North Cotabato, Martes ng umaga. Ayon sa mambabatas, maaaring gamitin ng Kamara ang Rule 48 kung saan ang mga panukalang batas na naipasa na noong nakaraang Kongreso ay otomatiko ng aprubado. “Madalas tumama ang malalakas na lindol sa amin…

Read More

COTABATO, DAVAO NILINDOL

(NI DAHLIA S. ANIN) TUMAMA ang 4.6 magnitude na lindol bandang alas 7:55 ng Martes ng umaga sa lalawigan ng Cotabato. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 12 kilometro. Naitala naman ang Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato. Wala namang naitalang pinsala sa nasabing lindol, ngunit, ang mga estudyante sa Kidapawan Citu National High School- Lanao Extension ay naglabasan sa…

Read More

IKALAWANG BOL PLEBISCITE TULOY SA PEBRERO  6

bol500

(NI JG TUMBADO) WALANG nakikitang dahilan si Defense Secretary Delfin Lorenzana para irekomenda ang suspensyon ng ikalawang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Pebrero 6. Diin ng kalihim, malayo sa pinangyarihan ng terorismo ang pagdarausan ng plebesito at wala silang inaasahan na mayruong mananabotahe o kaguluhan sa nasabing aktibidad. Ikinasa nang idaos ang plebesito sa Lanao del Norte, maliban sa Iligan City; mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato at sa 28 barangay. “Mukhang wala namang nakikitang kaguluhan diyan, in connection with…

Read More

PERA KAPALIT NG YES SA BOL

bol

(NI BONG PAULO) IKINABAHALA ngayon ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ang pamamahagi umano ng ID ng grupong Bangsamoro Movement for YES sa mga botante ng Cotabato city. Ang nakapagtataka pa, ayon kay Mayor Guiani, kapareho ng datos na nasa Comelec ang datos na makikita sa ID gaya ng picture ng botante, pangalan, clustered precinct at posisyon. Sinabi ni Guiani na nakausap niya ang ilan sa mga nabigyan ng naturang ID at nagtataka rin aniya ang mga ito kung bakit binigyan sila ng ID gayung hindi naman umano sila nag-apply…

Read More

COTABATO MAYOR LIGTAS SA AMBUSH

cuan

NAKALIGTAS sa ambush si Libungan, Cotabato Mayor Christopher ‘Amping’ Cuan matapos mailagan ang mga tama ng bala habang pababa ng kanyang sasakyan sa harap ng municipal hall Lunes ng ala-1:40 ng hapon. Sinabi sa report na pababa na si Cuan sa kanyang sasakyan sa harap ng municipal hall nang pagbabarilin ng kalalakihan lulan ng D4D van. Agad umanong nailagan ng alkalde ang mga bata ngunit nahagip naman ng ligaw na bala ang janitor ng munisipyo. Agad tumakas ang mga suspect na hanggang ngayon ay tinutugis ng awtoridad. 183

Read More

‘LOCAL ISIS’ NASA LIKOD NG PAGSABOG

isis

MINAMANMANAN ngayon ng pulisya ang posibilidad na isang local terrorist group na may ugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod ng pagsabog na pumatay sa dalawa katao at nakasugat sa 39 sa Cotabato City, ayon kay Philippne National Police (PNP) spokesperson Chief Supt. Benigno Durana,Jr. Sinabi ni Durana na ang improvised explosive device na ginamit sa pagsabog ay katulad ng signature composition ng mga pampasabog na ginagamit ng ISIS-inspired local terrorist groups. “Ang uri ng bomba ay nanggagaling lamang sa Daesh-inspired o ISIS inspired terrorist…

Read More

MINDANAO BANTAY-SARADO

cotabato

(NI AL JACINTO) NASA  mahigpit na pagbabantay ngayon ng militar at pulisya ang buong Mindanao matapos ng madugong pambobomba sa Cotabato City na ikinamatay ng 2 katao at pagkasugat ng 47 iba pa. Habang papalapit ang referendum para sa Bangsamoro Organic Law na siyang isinisulong ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay lalong tumataas ang tensyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil sa mga lugar na ayaw mapasama sa proposed Bangsamoro autonomous region. Kabilang ang Cotabato City, Isabela City at Sulu sa mga pumapalag kontra sa Bangsamoro…

Read More