Para sa masusing pagsusuri ng mga pumapasok na kargamento (Ni Jomar Operario) Upang masigurong dadaan sa masusing pagsusuri ang mga pumapasok na kargamento at matiyak na walang makakalusot na kontrabando ay itinalaga ang Entry Processing Units (EPUs) sa lahat ng Bureau of Customs (BOC) collection districts bilang Regional Risk Management Units (RRMUs). Ang RRMUs kasama ng kanilang mga tauhan at ari-arian ay pansamantalang isinama bilang units sa ilalim ng BOC’s Risk Management Office (RMO) habang nakabinbin pa ang isasagawang reorganization ng ahensya. Sa CMO 23-2019, nakasaad na ang designasyon o…
Read MoreTag: Customs
P60-M KONTRABANDO NASABAT SA BOC-SUBIC
(NI JAY-CZAR LA TORRE) SUBIC BAY FREEPORT- Umaabot sa P60 milyong ‘misdeclared’ na asukal at iba’t ibang klaseng paputok ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Subic sa New Container Terminal 1. Ayon kay Port of Subic District Collector Maritess Martin, 34 sa 35 container ang naglalaman ng ‘unrefined’ na asukal habang ang isa ay naglalaman ng samu’t-saring paputok. Ang naturang shipment ay nagmula pa sa Hongkong na dumating sa bansa noong Marso 31 hanggang Abril 7. Sinabi pa ni Martin na matapos siyang nakatanggap ng impormasyon tungkol…
Read MoreACIERTO, 7 IBA PA, AARESTUHIN NG PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) NAKAHANDA ang Philippine Natonal Police (PNP) na arestuhin si dating P/Col. Eduardo Acierto at pitong iba pa na idinadawit sa smuggling ng shabu shipments na inilagay sa mga magnetic lifters noong nakalipas na taon. Maliban kay Acierto kasama sa inisyuhan ng arrest warrants ni Judge Ma. Bernardita Santos ng Manila Regional Trial Court Branch 35 sina dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban, dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director for Administration Ismael Fajardo, Chan Yee Wah alias KC Chan, Zhou Quan alias Zhang Quan, at mga …
Read MoreMALING MEMO SA CUSTOMS GINAGAMIT SA SMUGGLING
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAREREBYU ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bureau of Customs (BOC) ang kanilang Customs memo na posibleng nagagamit ng mga smugglers sa droga at iba pang kontrabando. Iminungkahi ito ni Iligan City Rep Frederick Siao kay Commissiner Rey Guerero matapos matuklasan sa kanilang imbestigasyon ang sistema sa pagpasok sa bansa ng mga basurang iniangkat mula sa South Korea. Sinabi ni Siao na dahil umano sa kaluwagan ng Customs ay nakapapasok sa bansa at posible pang kasabwat ang ilang tiwaling empleyado ng Customs sa iregularidad…
Read MoreBUREAU OF CUSTOMS NASUNOG
NASUNOG ang ilang bahagi ng gusali ng Bureau of Customs (BOC) sa Port Area, Maynila, Biyernes ng gabi. Sinabi ni Fire Officer 1 Reiner Dela Rosa ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng gabi sa ikatlong palapag ng gusali malapit sa gate 3 ng South Harbor. Bandang alas-10 ng gabi ay itinaas na sa fifth alarm ang sunog. Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog at kung anong bahagi ng gusali ang natupok ng apoy. 160
Read MoreP90-M SHABU NASABAT SA BOC-NAIA INILIPAT NA SA PDEA
(NI DAHLIA SACAPANO/PHOTO BY DANNY BACOLOD) NAILIPAT na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang 13.1 kilo ng shabu mula sa isang shipment na idineklarang tambutso ang laman. Noong Enero, mula sa mahigpit na pagbabantay ng mga Customs examiner sa Port of NAIA, kasama rin ang kinatawan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), BOC-Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at BOC-Xray Inspection Project, PDEA , NAIA IADITG, nasabat ang 13.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P90 milyon mula sa isang shipment galing West Covina,…
Read MoreCUSTOMS, NAIA, PNP SINISI SA DRUG PROBLEM
(NI LILIBETH JULIAN) IBINUNTON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sisi sa mga tao ang kabiguang ng administrasyon nito na masawata ang problema sa ilegal na droga sa loob ng anim na buwan. Diretsahang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa dinaluhan nitong Peace and Order Summit for Barangay Officials sa Brgy. Bitano, Legazpi City, Albay, na mismong si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa ang nagsabi sa kanya na kagagawan ng mga tao at ilang opisyal ng pamahalaan kung bakit hindi lubos na nasawata ang paglaganap ng…
Read MoreLAPEÑA NILINIS SA DRUG SMUGGLING
(NI ABBY MENDOZA) HINDI nagrekomenda ng kaso ang dalawang komite ng Kamara laban kay dating Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña kaugnay sa sinasabing naipuslit na P11 bilyong halaga ng iligal na droga sa bansa noong nakaraang taon. Sa 19-pahinang committee report ng House Committee on dangerous drugs at House Committee on good government and public accountability, tanging sina dating Customs intelligence officers Jimmy Guban, dating police Sr. Supt. Eduardo Acierto at dating deputy director Ismael Fajardo ang pinaiimbestigahan at pinakakasuhan. Ayon sa dalawang komite na nagsagawa ng imbestigasyon sa…
Read MoreBODEGA NG PEKENG PRODUKTO NI-RAID
(NI DAHLIA SACAPANO) NASAMSAM ng Bureau of Customs-Intelligence Group ang mga pekeng produkto sa isang warehouse sa Binondo at Parañaque. Kasama ang Letter of Authority na may lagda ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero binisita ng mga operatiba ng Customs ang isang warehouse sa Binondo, Maynila. Ayon sa isang panayam sa Commissioner, nakatanggap daw sila ng reklamo mula sa kinatawan ng brand na Nike sa bansa. Sinabi nitong may mga building umano sa Binondo na naglalaman ng mga pekeng prudukto na nagbigay ng hudyat sa tauhan ng ahensya para magsagawa…
Read More