OIL PRICE HIKE

oil price hike12
0

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng dagdag-presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at Seaoil ang dagdag presyo na P0.40 kada litro sa diesel at P0.60 naman sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

Read More

DAGDAG-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO IKAKASA

0

(NI ROSE PULGAR)

MAKALIPAS ang tatlong linggong sunud-sunod na dagdag-bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo, bukas, Martes ng umaga (Disyembre 3), ay magpapatupad ng pagtataas sa presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total Philippines Phoenix at PTT Philippines ang dagdag presyo na P0.30 kada litro ng gasolina, P0.50 kada litro sa kerosene at P0.65 sa diesel na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang huling nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo noong Nobyembre 26 na nasa P0.20 kada litro sa gasolina at P0.10 kada litro naman sa diesel at kerosene.

 

Read More

LPG MAY DAGDAG-PRESYO BUKAS

0

(NI ROSE PULGAR)

BUKAS, (Disyembre 1), ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75  na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo mamayang alas- 12:01 ng hatinggabi (Disyembre 1).

Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.

Aasahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya langis tulad ng Solane sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing unang araw ng buwan, ang may paggalaw sa presyo ng LPG pinatutupad ng mga kumpanyang langis sa bansa.

Read More