PAGBABALIK-ESKWELA NG MGA BAKWIT TINIYAK

deped25

MAKAPAGPAPATULOY sa pag-aaral ang mahigit 30,000 estudyante mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) na direktang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Ito ang pagtiyak ni Department of Education (DepEd) Disaster Response director-in-charge Roni Co sa isang radio interview, kahit pa aniya nasa mga evacuation center sa ngayon ang kanilang mga pamilya. Sa kasalukuyan, ayon sa DepEd, nasa 10,169 mula sa tinatayang mahigit 30,000 inilikas na estudyante ang nananatili sa 258 na mga paaralan sa buong Calabarzon na pansamantalang ginagamit na mga evacuation center. Ayon…

Read More

PONDO NG DEPED TINAPYASAN

deped25

MALAKING hamon ngayon sa Department of Education (DepEd) ang pagbawas sa kanilang pondo para sa Basic Education Inputs program  sa inaprubhang General Appropriations Act (GAA) 2020, partikular sa pagpapatayo ng mga bagong gusali nito na tiyak na makaaapekto nang malaki sa bilang ng mga estudyante sa bawat classroom sa mga darating na taon. Gayunman, ikinagalak ni DepEd Secretary Leonor Briones na nakapaloob sa inaprubahang GAA ang salary increase para sa teaching at non-teaching  na kawani ng ahensiya epektibo ngayong January 2020 na aniya ay malaking inspirasyon sa halos isang milyong…

Read More

DOH, DEPED, CHED KINALAMPAG LABAN SA HIV CASES 

hiv12

(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Commission on Higher Education (CHEd) para palakasin ang mga programa laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kaugnay ng dumaraming bilang ng kaso nito sa bansa. Panawagan ni Senador Win Gatchalian nababahala ito sa dumaraming bilang ng mga Filipinong nagkakasakit ng HIV kung saan sa huling bahagi ng 2019 ay nakapagtala ng 36 na kaso kada araw ang Epidemiology Bureau ng DOH. Ito ay mas mataas aniya sa 35 kasong naitala noong Hulyo 2019…

Read More

DEPED, DPWH PINAKIKILOS SA NAWASAK NA CLASSROOMS

deped25

(NI NOEL ABUEL) IPINAMAMADALI ni Senador Bong Go sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa mga nasirang eskuwelahan at kalsada dulot ng nagdaang bagyong Tisoy. Maliban sa nasabing mga ahensya kasama rin sa pinakikilos ni Senador Go ang Department of Energy (DOE) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan pamilya sa Bicol region, partikular sa Albay at Sorsogon. Ayon kay Go, inatasan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang mga opisyales ng mga nasabing…

Read More

DEPED, CHED PINAAAYOS SA DE KALIDAD NA EDUKASYON

(NI NOEL ABUEL) HINDI na nasorpresa ang ilang senador sa naging resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) na isinagawa ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) kung saan kulelat ang Pilipinas pagdating sa Reading Comprehension kung ikukumpara sa ibang bansa. Ayon kay Senador Win Gatchalian, hindi nagkakalayo ang mababang resulta ng naturang pag-aaral sa mababang puntos na nakuha ng mga estudyante, lalo na ang mga nasa Grade 6, sa National Achievement Test (NAT) na isinasagawa ng Department of Education (DepEd). Dahil sa problemang ito, naniniwala si…

Read More

PINOY STUDENTS KULELAT SA PISA RESULT; SOLON DISMAYADO

students12

(NI BERNATRD TAGUINOD) HINDI naitago ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang labis na pagkadismaya matapos mangulelat ang mga estudyanteng Filipino sa Programme for International Student Assessment (PISA) na isinagawa noong 2018. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, dapat maging wake-up call sa Department of Education (DepEd) ang resulta ng PISA kung saan sa 79 bansa na sumali, ika-19 ang mga estudyante ng Pilipinas sa reading comprehension at ika-78 sa Science at Mathematics. “It is very unfortunate and should be a wake-up call for the Department of…

Read More

SOLON NAAALARMA SA MAGIC MUSHROOMS 

(NINA DANG SAMSON-GARCIA/NOEL ABUEL) NAALARMA si Senador Win Gatchalian sa paglipana ng magic mushrooms na ginagawang alternatibo bilang iligal na droga. Ito ay makaraang mapaulat na may mga mag-aaral na isinugod sa ospital dahil sa paggamit ng kabute na madali umanong makita sa mga kanayunan. Sinabi ni Gatchalian na kailangang palakasin ng Department of Education (DepEd) ang drug prevention program at mahigpit na pagsubaybay upang hindi malulong ang mga kabataan sa mga ipinagbabawal na gamot. Una nang sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na maaaring mas mapanganib pa ang magic…

Read More

BILANG NG MAG-AARAL SA BAWAT KLASE PINALILIMITAHAN

students12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Grace Poe na limitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase upang makatiyak na de kalidad na edukasyon ang maibibigay sa kanila. Sa kanyang Senate Bill 1190, iginiit ni Poe na dapat magkaroon ng regulasyon para sa bilang ng mga mag-aaral sa isang klase at magkaroon ng dagdag na insentibo sa mga guro na humahawak ng mas malaking klase. Ipinaalala ni Poe na ang edukasyon ang pundasyon ng bansa at tungkulin ng estado ang promosyonng de kalidad na edukasyon sa lahat ng antas…

Read More

DAGDAG-PONDO SA VOUCHER PROGRAM SA K-12 ISINUSULONG

(NI NOEL ABUEL) NAKUKULANGAN ang isang senador sa pondong inilaan sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) kung kaya’t nais nitong dagdagan ito ng pondo. Ayon kay Senador Win Gatchalian, chair ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, lumalabas umano na kulang pa ng halos P14 bilyon ang pondo para sa mahigit isang milyon at dalawang daang libong (1.2) benepisyaryo ng programa. Sinabi nito na ang pondong kakailanganin para sa buong school year 2020-2021 ay P36 na bilyon kung saan sa kasalukuyan ay nasa P23 bilyon ang nakalaan para sa…

Read More