GUSOT SA CR NA GINAWANG FACULTY ROOM AAKSIYUNAN

cr faculty12

(NI KEVIN COLLANTES) SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na ginagawa nila ang lahat upang maresolba ang isyu hinggil sa problema sa faculty room sa Bacoor National High School-Molino Main, sa paraang katanggap-tanggap sa lahat, partikular na sa opisyal at mga guro. Kasunod na rin ito ng desisyon ng may 11 guro ng naturang paaralan na gawing faculty room ang isang comfort room, ngunit malaunan ay ipinaskil ito sa social media. Sinabi ng DepEd na nag-ugat ang sitwasyon sa desisyon ng pamunuan ng naturang paaralan na magpatupad ng ‘single-shift classes’ para…

Read More

APELA NG DEPED: IHABOL SA ENROLLMENT ANG MGA BATA

deped12

(NI KEVIN COLLANTES) UMAAPELA ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak upang makapasok ang mga ito sa eskwelahan. Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, sa mga pampublikong paaralan ay binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makapag-enroll, upang matiyak na makakapag-aral ang mga ito. Mas mainam aniya kung bago matapos ang buwang ito ay maipa-enroll na ang mga bata upang hindi sila mahirapan. “Sa public school kung puwede bago matapos itong buwan na ito kasi mahihirapan ‘yung bata na makahabol,” ani Mateo. Aniya,…

Read More

DEPED: P150-B KAILANGAN SA P10-K UMENTO NG MGA GURO

deped65

(NI KEVIN COLLANTES) INIHAYAG ni Education Secretary Leonor Briones na mangangailangan ang pamahalaan ng P150 bilyon para maipagkaloob ang P10,000 buwanang umento sa sahod na inihihirit ng mga public school teachers. Ayon kay Briones, hindi pa kasama sa naturang estimate ang performance bonus na ipinagkakaloob rin nila sa mga guro taun-taon. Anang kalihim, isa sa mga dapat na ikonsidera ng pamahalaan sa pag-apruba sa salary increase na inihihirit ng mga guro ay kung handa na ba ang mga mamamayan na magbayad ng karagdagang buwis para maipagkaloob ang naturang P150 bilyon.…

Read More

 DEPED HIRAP SA ‘MALA-SARDINAS’ NA SITWASYON NG MGA ESTUDYANTE

CLASSROOM12

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY EDD CASTRO) AMINADO ang Department of Education (DepEd) na may kahirapang masolusyunan ang kakulangan ng silid-aralan. Gayunman, sa kabila nito, may ilang ding gusaling eskuwelahan na usad-pagong sa pagpapatayo habang ang iba ay tuluyan nang inabandona sa hindi malamang kadahilanan tulad ng sa Bagong Silangan High School sa Quezon City. Ayon kay Undersecretary Jesus Mateo, kakulangan ng espasyo o kawalan ng lupang mapagtayuan ng bagong gusali ang pangunahing dahilan ng nasabing problema. Bagama’t ganito, aniya, pinagsisikapan nila sa tulong ng local government executives  na makahanap ng lupang mapagpatayuan…

Read More

CYBERSEX, BULLYING TUTUTUKAN NG DEPED

deped12

(NI KEVIN COLLANTES) PINASIMULAN na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang kampanya laban sa cybersex at cyber bullying, kasabay ng pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 3. Nabatid na ang programa na tinawag na ‘Intensified Student Anti Bullying Action Center (I-SABAC), ay inilunsad DepEd sa Taguig City at Pateros. Sa ilalim nito, tutugunan ng DepEd ang lahat ng uri ng bullying problem ng mga mag-aaral, lalong-lalo na ang sexual harassment at cybersex exploitation. Ang I-SABAC ay mas maayos na bersiyon ng E-SABAC na naging matagumpay sa pagtugon ng bullying…

Read More

BILANG NG ENROLLEES TUMAAS

deped12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na kampanya ng Department of Education (DepEd) ay lalong tumaas ang bilang ng mga enrollees sa lahat ng antas ngayong school year 2019-2020. Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, mayroong 27,817,737 ang bilang ng mga enrollees ngayong taon na mas mataas kumpara noong nakaraang taon ng 2.95%. Bunsod nito, umaasa ang DepEd na sa mga susunod na taon ay bababa pa ang bilang ng mga out-of-school youth sa buong bansa. Dagdag pa nito, naging matagumpay ang kanilang kampanya na early enrollment campaign para hikayatin…

Read More

BAGONG DIVISION HEADS ITINALAGA NI DU30 SA DEPED

deped25

(NI BETH JULIAN) BUNSOD ng nalalapit na pagbubukas ng klase, nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga tao sa mga bakanteng posisyon sa Department of Education (DepEd). Noong Mayo 22 nang pinal nang lagdaan ng Pangulo ang appointment papers nina Edna Faura Agustin, Ma. Liza Recamara Tabilon, Cristy Cabral Epe at Elsie Tirol Barrios bilang mga Schools Division Superintendent ng Department of Education at pinalitan ng mga ito sina Amelia P. Torralba; Aurora V. Cubero at Flordeliza R. Mayari. Sina Juan Romero Araojo Jr., Mina Gracia Legaspi Acosta; Ma.…

Read More

DEPED KUKUHA NG 10,000 BAGONG TEACHERS

briones12

(NI KIKO CUETO) KUKUHA ang Department of Education (DepEd) ng 10,000 bagong public school teachers kasunod ng pagpapalabas ng 2019 national budget. “Sa school hiring medyo na-delay lang, pero nagrerecuit na kami ng mga teachers. Ang dahilan ng pagkuha namin ay hindi dahil kulang kundi para sa student teacher ratio,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones. Dagdag ng kalihim, sinimulan na ang pagpapatayo ng 80,000 na bagong silid aralan sa bansa. Inihayag ito ni Briones isang linggo bago ang pagsisimula ng bagong school year. Target ng pamahalaan na ibaba sa…

Read More

DEPED PABOR SA ROTC     

deped12

(NI BETH JULIAN) INIHAYAG ni Education  Secretary Leonor Briones na suporta nito ang panukala na ibalik ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa mga kolehiyo. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Briones na pabor ito sa ROTC para maitatak sa mga bata ang disiplina sa sarili. Sinabi ni Briones na kung maipapasa ng Senado ang sariling bersyon ng mandatory ROTC at malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas bago ang June 7, ay mayroon nang 100 paaralan na magiging pilot area para sa pagpapatupad ng mandatory ROTC sa…

Read More