(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG matulungan ang mga mahihirap na pasyente na nagpapa-dialysis, inaprubahan na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na dagdagan ang sesyon na sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Walang tumutol nang aprubahan sa House committee on health ang 9 Comprehensive Renal Replacement Therapy (RRT) bill na inihain ng mga mambabatas sa Kamara. Sa ilalim ng nasabing panukala, magkakaroon na ng 156 hemodialysis sessions o 3 session kada linggo ang maaaring matanggap ng mga pasyente na may sakit sa kidney. “Magiging malaking…
Read MoreTag: dialysis
‘GHOST DIALYSIS’ INAMIN; OPISYAL, KAWANI KAKASUHAN NG PHILHEALTH
(NI MAC CABREROS) INAALAM ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung may empleyadong kasabwat sa ‘ghost dialysis’ ng ilang dialysis center. “Kung mayroong kasabwat… we will give necessary due process and penalty,” pahayag Dr. Shirley Domingo, tagapagsalita ng PhilHealth, sa panayam sa media. Kinumpirma ni Dr. Domingo na maraming kaso ng ghost patients, false claims, misrepresentation at upcasing, ang iniimbestigahan ng legal department ng PhilHealth. “Our record shows that currently we are investigating up to 8,900 cases,” dagdag Domingo. Aniya, kanilang sisilipin din ang pagkakasangkot ng mga nagpapatakbo ng dialysis…
Read MorePHILHEALTH SA ‘DIALYSIS ANOMALY’ BUBUSISIIN SA KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) KAPAG nagkataon, magiging buena-mano sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress ang Philhealth dahil sa umano’y ‘ghost kidney patients’ na binabayaran ng nasabing ahensya sa isang private clinic. Inihahanda na ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang resolusyon para imbestigahan ang Philhealth matapos mabunyag ang panibagong anomalya na may kaugnayan sa dialysis treatment na sinisingil ng isang dialysis clinic kahit patay na ang pasyente. “Congress must investigate on the matter at the soonest possible time,” ani Zarate para mapigilan ito dahil kung hindi ay…
Read More