POE, TUGADE INUPAKAN SA PASOSYAL NA MRT; AYUSIN BAGO LUHO – SOLON

mrt3

(NI BERNARD TAGUINOD) “AYUSIN muna natin ang mga tren bago ang luho.” Ito ang mensahe ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng panukala na maglagay ng business class coach sa Metro Rail Transit (MRT)-3 upang maenganyo ang mga may kotse na sumakay dito. Ayon sa mambabatas, kung mayroong dapat tutukan ang DOTr ay tiyakin muna na maayos at maparami pa ang mga tumatakbo tren at siguradong hindi papalya ang operasyn ng MRT-3. Kapag nagawa umano ito ng DOTr, ay saka na ikonsidera ang…

Read More

LRT2, MRT3 NAGKAABERYA 

(NI KEVIN COLLANTES) NATIGIL pansamantala ang mga biyahe ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaninang umaga matapos na kapwa makaranas ng aberya. Sa inisyung advisory ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nabatid na dakong 9:49 ng umaga nang kailanganin nilang pansamantalang itigil ang operasyon ng LRT-2 bunsod ng technical problem. Kaagad namang tinugunan at naisaayos ang problema at pagsapit ng 10:19 ng umaga ay naibalik rin sa normal ang biyahe ng naturang rail line. Samantala, dakong 10:17 ng umaga naman nang magpaabiso…

Read More

EMERGENCY POWER ISINUKO NA NG DOTr 

dotr

(NI NOEL ABUEL) TULUYAN nang iniatras ng Department of Transportation (DOTr) ang hinihingi nitong emergency power para kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang solusyon sa nararanasang matinding trapiko sa Mega Manila. Ayon kay Senador Grace Poe, sa ginanap na ikatlong pagpupulong ng technical working group (TWG), kinumpirma ni DOTr Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Richmund de Leon na hindi na itutuloy ng ahensya ang emergency powers. “‘Yun ang sinabi nila sa TWG pero puwede naman nilang iatras, pero meron naman kaming pagkakataon na ayusin pa rin ang isang plano…

Read More

PAGTATAPOS NG SANGLEY AIRPORT SA NOV TINIYAK NG DOTr

sangley point21

(NI KEVIN COLLANTES) KUMPIYANSA ang Department of Transportation (DOTr) na matatapos  ang konstruksiyon ng Sangley Airport sa Nobyembre, na itinakdang deadline para rito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tuluy-tuloy ang 24/7 construction schedule ng naturang paliparan upang masigurong masusunod ang kautusan ng Pangulo. Kaugnay nito, nagpaskil ang DOTr ng mga larawan na kuha mula Setyembre 17 hanggang 21 kung saan makikita ang puspusang pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad para sa general aviation at turbo prop operations ng paliparan. Sinabi ng DOTr na wala ring patid…

Read More

MANDARAYANG EMISSION TEST CENTERS SINUSPINDE

dotr44

(NI KEVIN COLLANTES) SINUSPINDE ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng kanilang Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), ang tatlong Private Emission Testing Centers (PETCs) sa Luzon. Napatunayan umanong nandaraya ng emission test results ang Subicpro Commodities Corporation, sa 33-C Lot 57-A, Unit A, Faith St., SBGP, Phase 1, Subic Bay Freeport Zone;  RLW Emission Testing Center sa Mabiga, Mabalacat, Pampanga at ang Navaeh Bea Emission Test Center sa 28 A. Soriano Highway, Daang Amaya I, Tanza, Cavite kaya’t inisyuhan ng DOTr-ISLES ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017). Ayon sa…

Read More

KONSTRUKSIYON NG BULACAN INT’L AIRPORT: GAME NA! – DOTr

(NI KEVIN COLLANTES) ‘ALL systems go’ na ang Department of Transportation (DOTr) para sa konstruksiyon ng Bulacan International Airport. Lumagda na sina DOTr Secretary Arthur Tugade at San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Operating Officer Ramon Ang, ng concession agreement para sa SMC unit San Miguel Aerocity Inc. para siyang mag-finance, mag-design, magtayo, mag-operate at magmantine sa massive international airport sa Bulacan. Nabatid na ang naturang deal ay may 50-year concession period. Ayon kay Tugade, nilagdaan na rin niya ang Notice to Proceed para masimulan ng San Miguel ang konstruksiyon…

Read More

BLUEPRINT SA PAGLUWAG NG TRAPIKO SA EDSA IPRINISINTA

edsabus12

(NI ABBY MENDOZA) ISANG blueprint kung saan epektibo umanong masosolusyunan ang masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa ang iprinisinta sa House of Representatives ni House Committee on Transportation Chair Edgar Mary Sarmiento . Sa blueprint proposal ni Sarmiento ay iminumungkahi nito na  ang innermost lane ng EDSA ay magiging eksklusibo lamang sa mga bus na ang sistemang gagamitin ay gaya din ng Metro Rail Transit 3, ibig sabihin ang ruta ng mga bus ay gaya ng sa MRT at magbababa at magsasakay lamang  ito sa bawat istasyon…

Read More

WINNER SA LAKI: PONDO NG DOTr TUMAAS NG P79-B 

(NI BERNARD TAGUINOD) ‘WINNER’ ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng ahensya ng gobyerno kung palakihan ng itinaas na pondo ang pag-uusapan sa ilalim ng 2020 national budget. Ito ang pahayag ni House deputy speaker Mujiv Hataman sa gitna ng pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 2010 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion. Ayon kay Hataman, umaabot sa P133.43 Billion ang pondo ng DOTr sa 2020 o mas mataas ng P79 Billion para sa P54.23 Billion na budget ng ahensya ngayong kasalukuyang taon. “At sa ating nakikita…

Read More

HIGIT 100-K STUDENTS NAKINABANG SA LIBRENG SAKAY

DOTR

(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Department of Transportation (DOTr) na mahigit na sa 128,000 na mga estudyante sa Metro Manila ang nakinabang sa libreng train rides na ipinagkakaloob sa kanila ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Philippine National Railways (PNR) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Ayon sa DOTr, simula nang ipatupad nila ang Student Free Ride Program, ay nasa 128,206 students na ang nabigyan ng libreng sakay ng mga naturang mass rail transits. Nabatid na sa naturang bilang, pinakamaraming sumakay sa LRT-2, na umabot…

Read More