(NI CHRISTIAN DALE) NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “napa-stop” ni Pastor Apollo Quiboloy ang lindol na tumama sa Mindanao kamakailan. Nag-trending sa social media ang pagpapa-stop ni Quiboloy sa lindol. “I believed in Pastor Quiboloy. When he said stop eh kung nag-stop eh di what’s the trouble?” ayon kay Pangulong Duterte sa Grand Opening ng Acacia Hotel Davao sa Davao City. Sinabi pa ng Chief Executive na gusto rin daw niya na magkaroon ng “power” na katulad ng kay Quiboloy para mapa-stop niya rin ang mga corrupt na…
Read MoreTag: DUTERTE
SUSPENSIYON SA RICE IMPORTATION BINAWI NI DU30
(NI CHRISTIAN DALE) BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kautusan nito na suspendihin ang rice importation ng bansa. Nauna nang ipinag-utos ni Duterte ang pagsuspinde sa pag-angkat ng bigas sa panahon ng ani. Sa talumpati ng Pangulo sa Sarangani Energy Corp. (SEC) 2 Power Plant Inauguration and Launching of Siguil Hydrpower Project SEC Conference Room, Brgy. Kamanga, Maasim, Sarangani Province, sinabi nito na mali ang pagkakaunawa sa kanyang kautusan. Aniya, ‘folly’ o kahangalan na ihinto ang rice importartion. Sinabi pa nito na delikado na ipasuspinde ang pag-angkat ng bigas…
Read MoreDUTERTE SUPORTADO SA ANTI-VAPE CAMPAIGN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) SUPORTADO Suportado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-vape campaign dahil mapanganib umano ang bisyong ito sa kalusugan ng mga tao. Ito ang napag-alaman kay House Speaker Allan Peter Cayetano kasunod ng kautusan ni Duterte na ipagbawal ang pag-angkat ng vape product at paggamit nito sa mga pampublikong lugar. “We will support the President kasi anything that is a danger to health. Having said that, anything that’s a danger to health, dapat pumasok ang gobyerno,” ani Cayetano. “We don’t want people to get…
Read MoreDU30 ‘DI NAGMAMADALI SA PAGTALAGA NG PNP CHIEF
(NI CHRISTIAN DALE) “I’M taking my time appointing one.” Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpili niya para sa susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP). Sa press conference sa Heroes Hall, Malakanyang, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya nagmamadali na pumili ng papalit kay dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde. Kabilang na kasi sa mga pinalulutang na susunod na PNP chief ay sina Lt. Gen. Camilo Cascolan at Maj. Gen. Guillermo Eleazar. Ani Pangulong Duterte, pawang magagaling naman ang lahat ng kandidato…
Read MoreE-POWER ITSAPWERA NA; PROYEKTO NI DU30 TUTUTUKAN
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na itutuloy ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang flagship projects ng kanyang administrasyon. “Message sent, message received,” ani House committee on ways and means chair Joey Salceda sa ambush interview ukol sa pahayag ni Duterte na hindi niya tatanggapin ang e-power. Nangangahulugan na inaabandona na ng Kamara ang nasabing panukala subalit bubuo umano ang mga ito ng oversight committee upang tutukan ang mga proyekto ng gobyerno. “Nakausap ko na ang Speaker, magtatatag tayo…
Read MoreEMERGENCY POWERS NI DU30 SA PRIORITY PROJECTS HINARANG
(NI NOEL ABUEL) TUTOL ang ilang senador sa panawagan ng mga kongresista na bigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng pagkakaantala ng mga proyekto na kabilang sa Build, Build, Build projects ng pamahalaan. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, nangangamba ito na posibleng maabuso ang emergency power kung kaya’t hindi nito susuportahan ang panawagan ng mga kongresista. “Hindi ako sang-ayon sa emergency powers dahil isa sa pinakadelikado diyan ay wala nang bidding. So, for example meron kang malaking proyekto hindi mo na kailangan mag-bidding at makakapili ka kaagad…
Read MoreEMERGENCY POWERS SA BUILD,BUILD,BUILD NAIS IBIGAY KAY DU30
(NI ABBY MENDOZA) ISANG panukala na naglalayong mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang Build, Build, Build program ang ihahain sa Kamara ni Albay Rep. Joey Salceda. Ayon kay Salceda, makatutulong ang pagkakaroon ng special powers para mapabilis ang pagpapatupad ng mga infrastracture projects ng administrasyon. “The emergency powers will allow the President to remove roadblocks to projects, such as right of way issues”pahayag ni Salceda kung saan aminado ito na nababagalan sya sa implementasyon ng Build Build Build gayunpaman maaga pa bago masabi kung papalpak…
Read MoreGO: TAO LANG ANG PANGULO, KAILANGAN NG PAHINGA
(NI NOEL ABUEL) BINIGYANG-diin ni Senador Christopher Bong Go na tao lang si Pangulong Rodrigo Duterte at kailangan ng pahinga kasunod ng ibinigay na tatlong araw na ‘rest’ sa kanyan gbahay sa Davao City. Sinabi ni Go na mas pinili ng Pangulo na magpahinga muna ng 3 araw sa Davao City dahil itinuturing nitong itong comfort zone kung saan siya nakakatulog nang mahimbing. Sa kabila nito, sinabi ni Go na bagama’t pinagpapahinga ang Pangulo ay hindi pa rin ito tumitigil sa mga paper works. Sa katunayan aniya ay nakatakda silang…
Read MoreGOBYERNO KINUWESTIYON SA BIGONG FLAGSHIP PROJECTS
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUWESTYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kabiguan ng gobyerno na maisulong ang flagship projects nito sa nakalipas na dalawang taon. Ayon kay Drilon, sa 75 na flagship projectes ng Duterte administration ay siyam pa lamang ang naisasakatuparan. Iginiit pa ng senador na ang 75 flagship projects ay bahagi ng economic relationship ng China at Pilipinas. “The administration has only started nine projects in two years’ time… And they cannot even tell us what these nine projects are,” diin ni Drilon. Sinabi pa ni Drilon na…
Read More