ORAL HEALTH SA BATANG NAVOTEÑOS

EARLY WARNING

SINAKSIHAN mismo ni Navotas Rep. John Rey Tiangco ang ginawang Fluoride Varnish Treatment para sa mga batang Navoteño na isinagawa ng City Health Office at Colgate-Palmolive Philippines. ‘Mahalaga po ang pag-iingat sa oral health ng ating mga anak. ‘Pag walang problema sa kanilang ngipin, mas nakakapag-focus sila sa pag-aaral at nai-enjoy nila ang kanilang araw. Dagdag pa niya: ‘Pangalagaan po natin ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagsiguro na sapat ang oras ng kanilang tulog, kumakain sila ng masusustansyang pagkain at nag-i-enjoy sila sa kanilang ginagawa.’ Gandang Lola at Astig na Lolo…

Read More

ANG GUSTO NG PALASYO SA NEW PNP CHIEF, COMPETENT AT HONEST, SI ALBAYALDE HINDI?

Early Warning

Sigurado naman na may tiwala pa rin si Pangulong Duterte kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa kabila ng kontrobers’ya na kanyang kinasasangkutan kasi nasa puwesto pa s’ya. Pero kung pagbabasehan ang sinasabi ngayon ng Palasyo na dapat ay ‘competent and honest’ ang magiging successor n’ya, eh ang ibig bang sabihin ay kabaligtaran s’ya nito? Sadyang may asim pa si Albayalde kay Digong kasi dating sinasabi ng huli na ‘mere whiff of corruption’ ay tigbak na kaagad sa kanya, pero hindi ito nangyari sa una dahil untouchable pa rin s’ya…

Read More

BAYARANG TROLLS LABAN SA PAO

EARLY WARNING

‘Di ko maipagkakaila ang aking matinding pagsimpatya sa mga kaawa-awang pamilya ng marami at dumarami pang bata na mga nangamatay makaraang maturukan ng Dengvaxia vaccines ng Department of Health at sa kabila nito nama’y bayarang trolls na walang ginawa kundi sirain ang kredibilidad ng Public Attorney’s Office lalo ang hepe nito na si Persida Rueda-Acosta. Tama lang na tawanan at ‘di pansinin ni Chief Acosta itong paid trolls kasi batid n’ya kung sino ang gumagastos sa kanila kundi iyong sa halip na aminin ang kamalian, tulungan at damayan ang mga…

Read More

AMBASSADOR OF SUNFULL INTERNET PEACE MOVEMENT

EARLY WARNING

Malaking challenge para kay San Jose del Monte (Bulacan) Rep. Rida Robes ang mapili bilang ambassador ng Korean-based Sunfull Internet Peace Movement pero kanya itong tinanggap dahil aniya mas lalo n’yang mapalalakas ang kampanya lalo na sa cyber bullying na madalas ay nagiging dahilan ng pagpapatiwakal lalo ng mga kabataan. Batid n’ya ang positibong epekto ng teknolohiya lalo sa ekonomiya subalit masakit isipin ang sobrang masamang epekto nito lalo sa kabataan. ‘With everything going digital, it’s a welcome development as we can keep up with the rest of the world…

Read More

ISANG HUKUMAN LANG DAPAT SA DENGVAXIA CASES

EARLY WARNING

Lalo pang dumarami ang pamilyang humihingi ng ayuda-legal sa Public Attorney’s Office pero patuloy na nagbibingi-bingihan ang Department of Health sa hinaing ng mga ito samantalang si PAO Chief Persida Rueda-Acosta nama’y nananawagan kay (Supreme) Court Admi­nistrator Midas Marquez na magkaroon na lang ng isang exclusive court na didinig sa controversial Dengvaxia cases. Sa petisyon ng PAO, mahalagang magkaroon na lang ng isang hukuman na ang tanging gagawin ay dinggin ang lalong dumaraming Dengvaxia cases lalo’t patuloy ang paghingi ng tulong ng mga pamilya na namamatayan ng kanilang mga anak…

Read More

 SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE, NASUNGKIT MULI

EARLY WARNING

Sa ikalawang pagkakataon, nabigyan ang Navotas ng Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation. Ang una ay noong isang taon lamang sa panahon ni ex-mayor at ngayo’y Rep. John Rey Tiangco bilang pagkilala sa masidhing pagsisikap ng lungsod na mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mamamayan nito. Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco at iba pang opisyal ang parangal sa naganap na 13th National Education Summit sa PICC kamakailan. “Ang de-kalidad at holistikong edukasyon na mayroon tayo ay bunga ng sama-samang pagkilos ng ating stakeholders. Ang walang kupas…

Read More

MAY TRADISYUNAL NA HAMON PA RIN SA KAPASKUHAN

EARLY WARNING

T’yak may tradisyunal na hamon pa rin at hindi magbabago ang presyo nito ngayong Pasko sa kabila ng isyu sa African Swine Fever (ASF). Pero dahil hindi maiiwasan ang pagbabawas ng produksyon ng hamon, ang t’yak namang maaapektuhan ay itong tinatawag na seasonal employees dahil siguradong hindi na muna sila kukunin ngayong Kapaskuhan, ayon na rin Philippine Association of Meat Processors Inc. Nagkaroon ng pagtigil o pagputol ng produksyon dahil sa total ban na ipinataw sa baboy at produkto mula sa Luzon, probinsiya ng Cebu at Bohol. Pero sinabi ng…

Read More

PUMIRMA LANG NAMAN PALA, BA’T SISISIHIN SA GCTA MESS?

EARLY WARNING

Kayo talaga mga katoto ang dudumi ng isip n’yo. Bakit nga ba naman sinisisi itong si Sen. Bato dela Rosa, ex-Bureau of Corrections (Bucor) chief, sa kaguluhan tungkol sa good conduct time allowance (GCTA) sa New Bilibid Prisons eh wala naman s’yang ginawang masama. Bilang BuCor chief, pumirma lang naman siya ng release papers kaya marami noong panahon n’ya ang nakalaya tapos sisisihin n’yo na siya sa kontrobers’ya sa GCTA. Kayo talaga, krimen na ba na matatawag ang pagpirma? ‘Yan ang sabi ni Senador Bato, hehe! Abusadong computer shops, isara…

Read More

MAS MARAMING NARI-RECRUIT MAGING KOMUNISTA SA CAMANAVA AREA – GEN. ELEAZAR

EARLY WARNING

Ibinunyag mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na mas paboritong mag-recruit ng communist group na maging miyembro sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area. “Sa usaping mass base, nariyan talaga sa Camanava area kasi mas maraming urban poor doon kaya doon sila (Communist Party of the Philippines at New People’s Army) mas aktibo sa pagkalap ng bago nilang mga mi­yembro.” Ang sistema, pupunta sila sa congested areas sa Camanava at doon kukumbinsihin nila ang mga inosenteng tao na sumama sa kanila,…

Read More