SSS NANAWAGAN SA HIGIT 100-K TIWALING EMPLOYERS

sss16

(NI BETH JULIAN) MULING nanawagan ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa mahigit 100,000 employers na samantalahin ang Contribution Penalty Condination Program. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, hanggang September 6 na lamang ang deadline ng pagkuha ng condonation program. Napag-alaman sa ilalim ng programa, ang hindi nagbayad na mga employer para sa kanilang mga empleado ay hindi na sisingilin ng SSS ng penalty, sa halip ay pagbabayarin na lamang ng mga unpaid premiums. Pahayag ni Ignacio, hanggang July 2019, umabot na sa P795 milyon…

Read More

INSPEKSIYON SA MGA KOMPANYA IKINASA NG DOLE

DOLE12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa naganap na magnitude 6.1 na lindol ay magsasagawa na ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa dalawang kompanya na inireklamo dahil sa hindi pagsunod sa safety protocols. Ayon kay Assistant Labor Secretary Benjo Benavidez,  may mga inspectors na sila na ipakakalat para sa iberepika ang mga ulat na natatangap ng ahensiya. Ito’y matapos ang sunud-sunod na reklamo ng ilang grupong manggagawa ng ilang mga kompanyang ayaw munang banggitin na pinabalik agad ang kanilang empleyado matapos ang lindol. Dagdag pa ng ahensiya, dapat…

Read More

PASAWAY NA EMPLOYERS BINALAAN SA ‘DI TAMANG PASAHOD SA HOLIDAY

DOLE12

(NI MINA DIAZ) INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga manggagawa na magtatrabaho sa mga petsang Abril 9, 18, at 19, ay babayaran ng dalawang beses sa kanilang regular na arawang  sahod, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III. Kasabay nito ay binalaan ng DOLE ang mga employers na hindi magpapasahod nang tama sa mga manggagawa na maaari silang ipagharap ng reklamo ng kanilang trabahador. Ito ay base sa Proclamation No. 555 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaalinsabay ng pagpapalabas ng Labor Advisory No. 05…

Read More