CPP-NPA-NDF: WALA KAMING TINATANGGAP MULA EU

cpp npa12

(NI MAC CABREROS) PINASUNGALINGAN din ng CPP-NPA-NDF ang akusasyon ng administrasyong Duterte na may perang pumapasok sa kanilang bulsa mula sa European Union. Sa kalatas na nakarating sa Saksi Ngayon, nagmumula ang kanilang pondo mula sa mga kasapi at ilang hakbang para makalikom ng pondo. “Ang CPP-NPA-NDF ay isang self-reliant organization na may ipinapatupad na patakarang pampinansyal. Wala pong anumang grupo, sa EU man o sa ibang lugar, na nagpopondo sa rebolusyong Pilipino,” diin ng grupo. Nauna nang pinasubalian ng EU ang alegasyon ng gobyerno na napupunta sa rebeldeng grupo ang pondo…

Read More

EU: WALANG PERANG NAIPASOK SA CPP- NPA

eu1

(NI MAC CABREROS) ITINANGGI ng European Union ang deklarasyon ng administrasyong Duterte na pinopondohan ng una ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Sa mensaheng nakarating ng Saksi Ngayon, itinanggi ng EU na mayroong perang napasok sa bulsa ng rebeldeng grupo. Bilang patunay, ayon sa mapagkatiwalaang source, kinukonsidera ng EU ang CPP-NPA bilang teroristang grupo kaya’t malayong susuportahan nila ito. Idinagdag ng source na inimbestigahan nila ang sinasabing napunta sa mga rebeldeng grupo ang pondo ng isang non-government organization ngunit walang nakitang ebidensya o patunay. “Responding…

Read More

IBON, KMU, KARAPATAN NAKAKUHA NG PONDO SA EU PARA SA CPP-NPA?

eu1

(NI BETH JULIAN) PINANGALANAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang organisasyon sa Pilipinas na ginagamit umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) para makakalap ng pondo mula sa ibang bansa. Sa press briefing sa Malacanang nitong Miyerkoles, sinabi ni AFP Deputy Chief for Civil Military Operstions BGen. Antonio Parlade na ilan lamang sa mga organisasyong ito ang IBON Foundation, Kilusang Mayo Uno at Karapatan. Ayon kay Parlade, lumabas sa isinagawa nilang pagpupulong kamakailan sa Europa na may pitong organisasyon ang nabigyan ng €3 milyon…

Read More

EU, BELGIUM AATRAS SA PAGTULONG SA MGA NGOs

eu1

(NI JG TUMBADO) IBINUNYAG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang European Union (EU) at ang bansang Belgium ang nasa likod ng umanoy pagpopondo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng front nitong ilang non-government organizations (NGOs). Ito ang kinumpirma ni AFP deputy chief of staff for civil military operations Brig. General Antonio Parlade Jr. na mismong mga opisyal ng EU at pamahalaan ng Belgium ang nagkumpirma sa pagtulong sa ilang NGO sa bansa. Sila na rin umano ang nagsabi na kaagad nilang…

Read More