NI BERNARD TAGUINOD) MAYROONG 12 taong pagkakakulong, multa at pagkansela sa kanilang business permit ang kakaharapin ng mga opisyales ng isang kumpanya o negosyo na tatanggihan ang mga babaing aplikante dahil sa 105 days maternity leave law. Ito ang babala ng Gabriela party-list group sa mga negosyante matapos lumutang ang posibilidad na hindi na kukuha ng mga babaing staff matapos maging batas ang Republic Act (RA) 11210 o Expanded Maternity Leave Law. “Labag ito sa Magna Carta of Women at sa mismong RA 11210 o Expanded Maternity Leave Law dahil nakasaad…
Read More